Ogie Diaz, todo puri ang MMFF movie na 'Family Matters'
- Todo puri ni Ogie Diaz ang pelikulang 'Family Matters' na isa sa mga entry sa Metro Manila Film Festival 2022
- Ani Ogie D, para sa kanya, ito sana ang hinirang na best picture
- Nakalulungkot din umanong walang nominasyon ang naturang pelikula
- Gayunpaman, nagkamit ito ng Gatpuno Antonio Villegas Awards
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Todo puri nina Ogie Diaz maging ni Mama Loi ng Ogie Diaz Showbiz Update YouTube channel ang pelikulang 'Family Matters.'
Nalaman ng KAMI na ang naturang pelikula ay isa sa mga entry sa Metro Manila Film Festival 2022.
"Kaganda-gandang pelikula, dapat yan nag-best picture," diretsahang nasabi ni Ogie D.
Dahil dito, tila nakapagtataka umano na hindi manlang ito nakakuha ng nominasyon.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
"At nakakaloka ah. Hindi manlang humakot ng mga nominasyon itong Family Matters kaya magdududa ka talaga e. Napulitika ba ito sa loob?"
Aniya, hindi raw ito maiiwasang hindi maisip ng mga tao dahil na rin sa bumubuo ng komite ng nasabing Film Festival.
"'Di maaalis 'yan lalo na at may ilang mga pulitiko na naroroon at involved sa komite," ani Ogie.
Maging ang isa sa mga aktres sa Family Matters na si Nikki Valdez na nakapanayam ng Showbiz Update ay aminadong nagulat sa kawalan ng nominasyon ng kanilang pelikula.
"Siyempre po, aminado ako na nakakapagtaka na halos wala kaming nominations for Family Matters. Most especially sa major categories. Because we believed that based on beautiful reviews and comments of so many people about our film e makakakuha po tayo ng nominations. 'Pag nano-nominate ka po kasi ibig sabihin ina-acknowledge 'yung nagawa mong proyekto," pahayag ni Nikki.
Gayunpaman, natanggap naman nila ang Gatpuno Antonio Villegas Award at nirerespeto naman daw nila ang naging desisyon ng jurors ng MMFF ngayong taon.
Narito ang kabuuan ng kanilang pahayag:
Si Ogie Diaz o Roger Diaz Pandaan sa tunay na buhay ay isang komedyante, aktor at showbiz reporter. Sa ngayon, pinakakaabangan ng marami ang mga video sa kanyang YouTube channel na "Ogie Diaz" at "Ogie Diaz Showbiz Updates" dahil sa mga maiinit na showbiz balita at interview sa mga artista at kilalang personalidad sa bansa.
Kamakailan, dinipensahan ni Ogie D ang pagbati ni Vice Ganda kay Toni Gonzaga sa isinagawang parada ng MMFF 2022. Pareho silang mayroong pelikula sa naturang film festival.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh