Caffey Namindang, inulan ng suporta kasunod ng vlog ni Merck

Caffey Namindang, inulan ng suporta kasunod ng vlog ni Merck

- Kasunod ng paglabas ng vlog ni Christian Merck Grey kung saan sinabi nitong pina-trademark niya ang pangalang Makaganda sa kanyang asawa, isang makahulugang post ang ibinahagi ni Caffey

- Pasimple nitong sinabi na siya pa rin ang orihinal na Makaganda sa kabila ng babala ng mag-asawa na kakasuhan nila ang taong patuloy na gagamit sa pangalang iyon

- Sa kanilang latest vlog ay sinabi ni Merck na tanging si Pam lamang ang legal na may karapatang gamitin ang pangalang Makaganda

- Marami naman sa mga netizens ang nagpakita ng suporta kay Caffey matapos ang paglabas ng vlog

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Hindi nagpatinag si Caffey Namindang matapos ang paglabas ng vlog ni Christian Merck Grey kung saan isinapubliko nito ang pagpapa-trademark sa pangalang "Makaganda" sa kanyang misis na si Pam Esguerra.

Caffey Namindang, inulan ng suporta mula sa kanyang supporters kasunod ng vlog ni Merck
Caffey Namindang (@heavenffey)
Source: Instagram

Sa kanyang Facebook post, nagbigay naman ng babala si Pam sa mga taong patuloy pa rin ang paggamit ng "Makaganda."

Pasimple nitong sinabi na siya pa rin ang orihinal na Makaganda sa kabila ng babala ng mag-asawa na kakasuhan nila ang taong patuloy na gagamit sa pangalang iyon.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kinasal nangat lahat anyare ?lahat naba kukunin scary
kasuhan mo na kaya pati tiktok youtube google na ginagamit ang makaganda pero muka ko ang lumalabas owshee

May mensahe din siya para sa isang taong hindi na niya pinangalanan ngunit tinawag niyang tita.

Mang aapak ka ng tao kasi mas may pera ka? mali yun tita . wala e panahon nyo ngayon e .hintayin nyo pag panahon ko na at malapit nayun

Nitong November 11 ay ikinasal na sina Pam at Merck.

Si Caffey Namindang ay unang sumikat sa social media sa bansag na Makaganda, ang girlfriend ng vlogger na si Makagwapo o si Christian Merck Grey. Naging kontrobersiyal ang tambalang Makaganda at Makagwapo matapos humingi ng tulong si Makaganda kay Raffy Tulfo hinggil sa umano'y hindi ,magandang pakikitungo sa kanya ng kanyag boyfriend.

Naging isyu ang tungkol sa kita ng kanilang YouTube channel at ang umano'y panggagamit ni Merck sa kanya para sa content nila.

Matapos ang kanilang masalimuot na paghihiwalay nakahanap naman ng bagong pag-ibig si Merck sa katauhan ni Pam Esguerra.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel