Ogie Diaz sa KMJS interview ni Kylie Padilla: "Para sa'kin, 'di na niya mahal si Aljur"

Ogie Diaz sa KMJS interview ni Kylie Padilla: "Para sa'kin, 'di na niya mahal si Aljur"

- Nagbigay komento ang komedyante ang kilalang showbiz reporter kaugnay sa naging pahayag ni Kylie Padilla sa Kapuso Mo, Jessica Soho

- Sinabi nitong para sa kanya, tila hindi na mahal ni Kylie si Aljur sa naging pahayag nito sa KMJS

- Sinabi rin ni Ogie na tila timing ang pagsasalita ni Aljur ukol sa isyu gayung mayroon itong pelikula ngayon na kanyang ipino-promote

- Malaki rin umano ang posibilidad na magpaunlak din ng interview si Aljur dahil sa naging mga pahayag ni Kylie

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Nagbigay pahayag ang entertainment columnist at reporter na si Ogie Diaz kaugnay sa paglabas ni Kylie Padilla sa Kapuso Mo, Jessica Soho noong Oktubre 24.

Doon, nilinaw ni Kylie ang naging kontrobersiya sa social media kung saan inakusahan umano siya ni Aljur Abrenica ng ilang mga bagay patungkol sa pagtatapos ng kanilang relasyon.

Read also

Liezl Sicangco, sinabihan sina AJ Raval at Aljur Abrenica na sana forever na silang dalawa

Nasabi rin ni Kylie ang mga katagang "I want him to be happy" na para umano kay Ogie, wala nang pagmamahal na nararamdaman ang aktres sa kanyang mister.

Ogie Diaz sa KMJS interview ni Kylie Padilla: "Para sa'kin, 'di na niya mahal si Aljur"
Photo: Kylie Padilla
Source: Facebook
"Ako feeling ko Loi ha, para sabihin ni Kylie na hangad niya ang kaligayahan ni Aljur, ibig sabihin, hindi na niya mahal si Aljur."

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa naturang panayam din ni Jessica Soho kay Kylie, nakiusap ang aktres na sana'y hindi na sila magsagutan pa sa social media lalo na at may mga anak sila pinoprotektahan.

Matatandaan din namang sa presscon ng pelikula ni Aljur na 'Manipula,' sinabi ng aktor na hindi na siya magbibigay pa ng anumang detalye kaugnay sa kanilang sitwasyon ngayon ni Kylie. Sa tingin daw niya'y nasabi na niya ang lahat.

Si Ogie Diaz o Roger Diaz Pandaan sa tunay na buhay ay isang komedyante, aktor at showbiz reporter. Nakilala siya sa kanyang pagganap bilang si Pekto sa comedy show na "Palibhasa Lalake".

Read also

Aljur sa isyu nila ni Kylie: "She's still the mother of our children. May pinagsamahan pa rin kami"

Sa ngayon, pinakakaabangan ng marami ang mga video sa kanyang YouTube channel na "Ogie Diaz" at "Ogie Diaz Showbiz Updates" dahil sa mga maiinit na showbiz balita at interview sa mga artista at kilalang personalidad.

Makailang beses na ring napag-usapan sa kanyang showbiz update ang umano'y isyu tungkol sa hiwalayan nina Kylie Padilla at Aljur Abrenica.

Naniniwala umano si Ogie na hindi na magtatagal pa ang isyu ng dalawa at maaring mamagitan na rito ang ama ni Kylie na si Robin Padilla.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel