Liezl Sicangco, sinabihan sina AJ at Aljur na sana forever na silang dalawa

Liezl Sicangco, sinabihan sina AJ at Aljur na sana forever na silang dalawa

- Sa kanyang Instagram post, ibinahagi ni Liezl Sicangco ang edited na picture nina Aljur Abrenica at AJ Raval

- Ito ay picture na kuha sa kasal ng anak niyang si Kylie Padilla kay Aljur ngunit sa nasabing picture ay tinakpan ng mukha ni AJ ang mukha ni Kylie

- Nagbigay din ito ng mensahe sa dalawa at sinabing sana ay sila nang dalawa ang magkatuluyan

- Aniya, masaya naman si Kylie para sa dalawa at naka-move on na ito at sana ay maging masaya na rin daw silang dalawa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Usap-usapan sa social media ang reaksiyon ng ina ni Kylie Padilla na si Liezl Sicangco. Pinagtanggol nito ang anak laban kay Cristy Fermin. Ibinahagi niya rin ang edited na picture nina Aljur Abrenica at AJ Raval. Ito ay picture na kuha sa kasal ng anak niyang si Kylie Padilla kay Aljur ngunit sa nasabing picture ay tinakpan ng mukha ni AJ ang mukha ni Kylie.

Read also

Ryan Agoncillo, binahagi ang isa sa dahilan kung bakit swak sila ni Judy Ann Santos

Liezl Sicangco, sinabihan sina AJ at Aljur na sana forever na silang dalawa
Kylie Padilla (@kylienicolepadilla)
Source: Instagram

Kalakip ng picture na ito ay nagbigay siya ng mensahe para kina Aljur at AJ. Aniya, masaya naman si Kylie para sa dalawa at naka-move on na ito at sana ay maging masaya na rin daw silang dalawa.

Si Kylie Padilla ay isang aktres na nakilala sa kanyang pagganap sa ilang serye sa telebisyon kagaya ng Joaquin Bordado, The Good Daughter at Adarna. Isa sa pinakasumikat na seryeng kanyang ginawa ay ang Engcantadia noong 2016 kung saan gumanap siya bilang si Sang’gre Amihan. Nagmula siya sa prominenteng angkan ng mga Padilla na kilala sa mundo ng showbiz.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Matatandaang naunang lumabas ang balitang nagkakaproblema sina Kylie at asawa nitong si Aljur Abrenica. Nanatiling tahimik si Kylie kaugnay sa isyu ngunit sa isang panayam ay inamin ni Aljur na sinusubukan nilang ayusin ang kanilang pagsasama.

Read also

Ogie Diaz sa KMJS interview ni Kylie Padilla: "Para sa'kin, 'di na niya mahal si Aljur"

Hindi na nila naayos ang kanilang problema at naibahagi ni Robin Padilla sa isang panayam na hiwalay na sina Kylie at Aljur at inamin din nitong 3rd party ang dahilan.

PAALALA: Walang mali sa hindi pagsang-ayon sa ibang opinyon, walang mali sa pagpapahayag ng opinyon ukol sa isang paksa, at walang mali sa paglaban ng iyong paniniwala ngunit nawa ay iwasan ang dagliang pangungutya at mapanirang pahayag. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon. Laging tandaan at isa-isip ang paalalang "Think before you click."

Source: Kami.com.ph

Online view pixel