Ryan Agoncillo at Judy Ann Santos, kinakiligan ng netizens dahil sa IG post ni Ryan

Ryan Agoncillo at Judy Ann Santos, kinakiligan ng netizens dahil sa IG post ni Ryan

- Sa kanyang Instagram post, ibinahagi ni Ryan Agoncillo ang isa sa mga dahilan kung bakit sa tingin niya ay swak sila ng kanyang misis

- Ibinahagi niya rin ang picture nilang mag-asawa kung saan nakahigang nakakandong si Juday sa kanya

- Marami ang kinilig sa ibinahaging ito ni Ryan at maging si Juday ay nagkomento sa nasabing post

- Ikinasal sina Ryan at Judy Ann nong April 28, 2009 sa isang private wedding ceremony sa San Juan de Nepomuceno Church sa San Juan, Batangas

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Muling kinakiligan ang mag-asawang Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo matapos ibahagi ng TV host ang isang picture nilang mag-asawa na aniya ay kuha ng bunso nilang anak na si Luna. Sa nasabing picture, nakahigang nakakandong si Juday sa kanya.

Ryan Agoncillo, binahagi kung bakit sa tingin niya swak sila ni Judy Ann Santos
Photo from Ryan Agoncillo (ryan_agoncillo)
Source: Instagram

Aniya, ang isa sa mga dahilan kung bakit swak sila ni Juday ay kung umasta raw ang asawa niyang si Juday ay parang petite samantalang siya ay astang 6 footer. Ginamit niya rin ang hashtag na #storiesforlucho kagaya sa kanyang mga post tungkol sa kanilang mag-asawa.

Read also

Video ng "daldalan" nina Oyo Boy Sotto at kanyang anak, kinaaliwan

yung isa kung maka asta, akala mo 6 footer. yung isa kung maka arte, parang petite. isa yan sa mga rason, bakit sa tingin ko swak kami ng mommy mo anak #storiesforlucho

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Nagsimula si Ryan bilang modelo sa edad na labinlimang taog gulang at naging bahagi ng ilang mga TV commercials kabilang na sa mga produkto ng Greenwich Pizza (kasama si Donita Rose), Sprite, Smart Telecommunication, Emperador Brandy at Swish mouthwash.

Taong 2008 nang kumpirmahin ni Ryan na engaged na sila ni Judy Ann Santos. Gayunpaman, isang pribadong kasalan ang naganap sa the San Juan de Nepomuceno Church sa San Juan, Batangas noong April 28, 2009.

Nabiyayaan sila ng tatlong anak, sina Johanna Louis (Yohan), Juan Luis (Lucho) at Juana Luisa (Luna).

Matatandaang ibinahagi ng mag-asawa ang kanilang masayang pamamasyal sa beach. Nitong Nobyembre lamang ay ipinagdiwang ng buong pamilya nila ang ika-16 na kaarawan ni Yohan.

PAALALA: Walang mali sa hindi pagsang-ayon sa ibang opinyon, walang mali sa pagpapahayag ng opinyon ukol sa isang paksa, at walang mali sa paglaban ng iyong paniniwala ngunit nawa ay iwasan ang dagliang pangungutya at mapanirang pahayag. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon. Laging tandaan at isa-isip ang paalalang "Think before you click."

Source: Kami.com.ph

Online view pixel