Video ng "daldalan" nina Oyo Boy Sotto at kanyang anak, kinaaliwan

Video ng "daldalan" nina Oyo Boy Sotto at kanyang anak, kinaaliwan

- Marami ang naaliw sa cute na anak nina Oyo boy Sotto at Kristine Hermosa

- Sa isang Instagram post ay binahagi ni Oyo ang isang video kung saan makikita ang kanilang bunso na tila nakikipagdaldalan sa kanyang ama

- Marami naman ang nanggigil sa kakyutan ng kanilang bunso anak na ipinangank nito lamang Agosto

- Kinabiliban at hinangaan din ang pagiging maalaga at hands-on ni Oyo sa pag-aalaga sa kanilang anak

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Hindi maikakailang hands-on na ama si Oyo Boy Sotto pagdating sa pag-aalaga sa kanilang anak. Sa pagkakaroon nila ng baby na isinilang ng kanyang misis nito lamang Agosto, marami ang humanga sa pinakitang dedikasyon ni Oyo sa pag-aalaga sa anak.

Video ng "daldalan" nina Oyo Boy Sotto at kanyang anak, kinaaliwan
Photo from Oyo Boy Sotto (@osotto)
Source: Instagram

Isang Instagram post ang kinaaliwan kung saan makikitang tila nakikipag-usap sa kanya ang kanilang baby hanggang sa makatulog na ito.

Read also

Mich Liggayu, hiwalay na sa ama ng kanyang anak na si Neo Domingo

So ayun na nga, tinulugan ako pagkatapos namin mag daldalan good night!

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Halos videos at picture ng kanilang baby ang laman ng Instagram ni Oyo na ayon sa ilang netizens ay nagpapakita lamang kung gaano siya ka hands-on sa pag-aalaga sa kanilang bunsong anak.

you've grown up such a fine and good father and husband
Ang swerte din ni Kristine at sobrang maalaga si Oyo sa kanyang pamilya. Kaya naman pala walang bakas ng pagka-stress si misis
Pogi mana sa daddy. Such a beautiful babybut then again all your children all beautiful. Another hearthrob in the making.

Si Oyo Boy Sotto ay isang aktor, endorser at TV host. Anak siya ni Vic Sotto sa dati niyang asawang si Dina Bonnevie. Kapatid niya si Danica Sotto na dati ding umaarte sa telebisyon. Ilan sa kanyang mga nagawang pelikula ay My Little Bossings, My Bebe Love: #Kilig Pa More at Enteng Kabisote 10 and The Abangers.

Read also

Aljur sa 'Breaking Silence' post: "Nasadsad na ako, natulak, lubog at nabugbog na ako"

Kamakailan ay nagdiwang ng kanilang 10th wedding anniversary sina Kristine at Oyo. Kamakailan lang ay nanganak si Kristine sa kanilang bunsong anak.

Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel