Dennis Padilla, nanawagang huwag i-bash ang kapatid na si Gene Padilla

Dennis Padilla, nanawagang huwag i-bash ang kapatid na si Gene Padilla

- Matatandaang dumalo si Dennis Padilla sa kasal ng anak na si Claudia Barretto kasama ang kanyang ina at kapatid na si Gene Padilla

-Nilinaw ni Marjorie Barretto na hindi imbitado si Gene sa kasal at si Dennis at ang kanilang ina lang ang may paanyaya

-Naglabas si Gene ng makahulugang pahayag na tila tumutukoy sa kontrobersya pero hindi nagbanggit ng pangalan

-Umapela si Dennis Padilla sa publiko na huwag idamay si Gene at sa halip ay siya na lamang ang batikusin

Sa gitna ng muling pagsiklab ng tensyon sa pagitan ng mga miyembro ng pamilya Barretto, nakiusap si Dennis Padilla sa publiko na tigilan na ang pambabatikos sa kanyang kapatid na si Gene Padilla.

Dennis Padilla, nanawagang huwag i-bash ang kapatid na si Gene Padilla
Dennis Padilla, nanawagang huwag i-bash ang kapatid na si Gene Padilla (📷@genepadillaaaa/IG)
Source: Instagram

Dumalo si Dennis sa kasal ng anak na si Claudia Barretto kay Basti Lorenzo kamakailan, at kasama niya ang kanyang ina at si Gene. Gayunman, sa isang pahayag ni Marjorie Barretto, nilinaw niyang hindi imbitado si Gene sa nasabing kasal. “Gene, ano bang nira-rant mo? First things first, no offense, you were not invited to the wedding. Si Mama lang at si Dennis,” ani Marjorie.

Read also

Andre Paras, pinagtanggol ang kapatid na si Kobe Paras laban sa mga kritiko

Matapos ang rebelasyong iyon, naglabas naman ng makahulugang post si Gene sa social media. Aniya, “It’s okay if you say hurtful things. You don’t know me, and I don’t know you — but I still choose to send you love, peace, and prayers for healing.”

Dennis Padilla, nanawagang huwag i-bash ang kapatid na si Gene Padilla
Dennis Padilla, nanawagang huwag i-bash ang kapatid na si Gene Padilla
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Bagaman walang tinukoy na pangalan, maraming netizens ang naniniwalang kaugnay ito sa kasalukuyang sigalot sa pagitan ng mga miyembro ng pamilya Barretto. Kasunod nito, nagkomento si Dennis sa post ni Gene at ipinagtanggol ang kapatid. Ayon sa kanya, walang ginawang mali si Gene kundi ang sumuporta lamang sa kanya bilang kapatid.

“Sa mga bashers...Pls spare my brother... Itodo nyo na lang sa akin... God bless you more,” pahayag ni Dennis na malinaw na nangangalaga sa damdamin ng kanyang kapamilya. Sa mga nakaraang panayam at post, inihayag ni Dennis ang kanyang lungkot at pagkadismaya matapos umanong ituring lang siya bilang “visitor of the bride” sa kasal ng sariling anak.

Read also

Candy Pangilinan, ibinida ang unang trabaho ni Quentin sa isang Italian Restaurant

Ipinakita rin ni Marjorie ang mga litrato mula sa kasal upang pabulaanan ang ilang pahayag ni Dennis, ngunit hindi pa siya nagbibigay ng pormal na tugon sa mga naging pahayag ng aktor.

Samantala, nananatiling tahimik ang tatlong anak nina Dennis at Marjorie na sina Julia, Claudia, at Leon Barretto hinggil sa isyu. Marami sa mga tagasubaybay ng pamilya ang umaasang maayos din ang gusot, lalo na’t sangkot dito ang mga mahahalagang sandali gaya ng kasal.

Si Dennis Padilla, ipinanganak bilang Dennis Esteban Dominguez Baldivia, ay isang beteranong aktor at komedyante sa industriya ng showbiz. Bukod sa pagiging artista, dati rin siyang nagsilbi bilang konsehal sa Caloocan. Siya ay naging bahagi ng maraming pelikula at palabas, at kilala sa kanyang kakayahang magpatawa at sa pagiging ama ng aktres na si Julia Barretto. Sa kabila ng kanyang karera, naging tampok din siya sa mga balita dahil sa ilang personal na isyu, partikular na sa kanyang relasyon sa mga anak at dating asawa na si Marjorie Barretto.

Read also

Kitkat Favia, may matapang na mensahe kay Gene Padilla kaugnay sa pahayag ni Marjorie Barretto

Nagbahagi si Gene ng kanyang pagkadismaya sa social media matapos hindi siya imbitahan sa kasal ng pamangkin na si Claudia Barretto. Ipinahayag niya ang kanyang suporta sa kapatid na si Dennis Padilla, na umano'y hindi rin nabigyan ng tamang pagtrato sa nasabing okasyon. Ang kanyang post ay umani ng iba't ibang reaksyon mula sa netizens.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate