Gene Padilla, nagpost ng mensahe matapos ang pahayag ni Marjorie Barretto

Gene Padilla, nagpost ng mensahe matapos ang pahayag ni Marjorie Barretto

- Matatandaang binahagi ni Gene Padilla ang kanyang pagkadismaya sa naging pagtrato sa kapatid niyang si Dennis Padilla sa kasal ng anak nitong si Claudia

- Nilinaw ni Marjorie Barretto na hindi imbitado si Gene sa nasabing kasal

- Umani ng kaliwa’t kanang batikos si Gene mula sa netizens matapos ang naging pahayag ni Marjorie

- Sa kabila ng kontrobersiya, pinili ni Gene na magpaabot ng messafe of "love, peace, and prayers for healing”

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Matapos ang matinding batikos mula sa publiko at pahayag ni Marjorie Barretto na hindi siya kabilang sa listahan ng mga bisita sa kasal ni Claudia Barretto, muling nag-ingay ang pangalan ng komedyanteng si Gene Padilla sa social media.

Gene Padilla, nagpost ng mensahe matapos ang pahayag ni Marjorie Barretto
Gene Padilla, nagpost ng mensahe matapos ang pahayag ni Marjorie Barretto (📷@genepadillaaaa/IG)
Source: Instagram

Nag-ugat ang isyu mula sa post ni Gene noong April 9, isang araw matapos ang kasal ng pamangkin niyang si Claudia kay Basti Lorenzo. Sa kanyang Instagram post, inilahad niya ang kanyang pagkadismaya matapos umano niyang masaksihan ang tila malamig na pagtanggap kay Dennis Padilla — ama ng bride at kanyang kapatid.

Read also

Maricel Soriano, pinaliwanag ang dahilan kung bakit hirap sya maglakad

Aniya, “Napaluha at napaiyak si kuya sa mga nangyari… kaya sabi ko umuwi na tayo after ng simbahan at papicture na lang sa kinasal… naawa din ako sa nanay ko kasi naiyak na rin… naramdaman ko yung sakit na naramdaman ng kapatid at nanay ko dahil ama din ako…"

Hindi rin napigilan ni Gene na punahin ang umano’y pagkiling sa yaman at kasikatan ng ilan sa pamilya, “Yan ba itinanim ng mga nakapaligid sa inyo…. puro kayo karangyaan at kasikatan… sa inyo na lahat yan… sanay kami sa hirap at di talaga kami nababagay sa inyo…”

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Ngunit hindi ito pinalampas ni Marjorie Barretto na sa isang panayam sa vlog ni Ogie Diaz ay naglabas ng kanyang panig. Diretsahan niyang sinabi: “First thing first, no offense, you were not invited to the wedding, si mama (ex-mother-in-law) lang at si Dennis.”

Giit pa ni Marjorie, sa halip na kalmahin ang kapatid, lalo lamang umanong pinaigting ni Gene ang emosyon nito. “Imbes na pinahinahon mo ‘yung kapatid (Dennis) mo, finuel mo pa, eh… Ina-agitate mo pa… Hindi ka invited Gene, eh… With all due respect, my daughter has no recollection of you.”

Read also

Mensahe ni Marjorie Barretto sa Mga Anak: "I'm so sorry I chose wrong"

Sa gitna ng kontrobersya at puna mula sa mga netizens, pinili ni Gene na huwag makipagbangayan. Sa halip, naglabas siya ng bagong mensahe sa social media na may kalakip na mensahe ng kapayapaan: “It’s okay if you say hurtful things. You don’t know me, and I don’t know you — but I still choose to send you love, peace, and prayers for healing.”

Nagbigay din ng suporta si Dennis Padilla sa kapatid sa pamamagitan ng komento: “Dear Gene... Wala kang mali... Nagbigay ka lang ng suporta sa akin... Dahil naramdaman mo ako... Salamat.”

Si Gene Padilla ay isang batikang komedyante sa industriya ng showbiz sa Pilipinas. Kilala siya sa kanyang mga papel sa mga pelikula at palabas na may temang katatawanan. Anak siya ng yumaong si Dencio Padilla at kapatid ng aktor na si Dennis Padilla. Sa kabila ng pagiging pribado ng kanyang personal na buhay, kilala si Gene sa kanyang matibay na suporta sa pamilya, lalo na sa mga panahong may pinagdaraanan ang kanyang kapatid.

Read also

Marjorie Barretto, sinabing ‘terrorized’ ang mga anak nila kay Dennis Padilla

Nagbahagi si Gene ng kanyang pagkadismaya sa social media matapos hindi siya imbitahan sa kasal ng pamangkin na si Claudia Barretto. Ipinahayag niya ang kanyang suporta sa kapatid na si Dennis Padilla, na umano'y hindi rin nabigyan ng tamang pagtrato sa nasabing okasyon. Ang kanyang post ay umani ng iba't ibang reaksyon mula sa netizens.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

iiq_pixel