Keanna Reeves, inakalang liligawan siya noon ni Rustom Padilla

Keanna Reeves, inakalang liligawan siya noon ni Rustom Padilla

- Inamin ni Keanna Reeves na inakala niyang liligawan siya noon ni Rustom Padilla habang nasa loob ng Pinoy Big Brother house

- Pinainom sila ng red wine ni Kuya at nagkaroon ng espesyal na moment, kaya't inisip ni Keanna na magtatapat ng pag-ibig si Rustom

- Sa halip, nalaman ni Keanna na pareho pala sila ng gusto, na siyang naging dahilan ng kanyang pagkadismaya

- Matapos ang rebelasyon ni Rustom na siya ay gay, naging mas malalim ang pagkakaunawaan at pagkakaibigan nila ni Keanna

Ibinahagi ng aktres at komedyante na si Keanna Reeves ang isang nakakatawa ngunit may kurot sa pusong karanasan niya kay Rustom Padilla, na ngayon ay kilala bilang BB Gandanghari. Sa kanyang pag-guest sa Fast Talk with Boy Abunda, inamin ni Keanna na inakala niyang liligawan siya ni Rustom noong magkasama sila sa Pinoy Big Brother Celebrity Edition noong 2006.

Keanna Reeves, inakalang liligawan siya noon ni Rustom Padilla
Keanna Reeves, inakalang liligawan siya noon ni Rustom Padilla (📷Keanna Reeves/Facebook & ABS-CBN Entertainment)
Source: Facebook

"Akala ko Tito Boy, liligawan niya ako," ani Keanna na may halong tawa. "Pinainom kami ng red wine ni Kuya, tapos kami lang dalawa parang binigyan kami ng moment. Akala ko syempre excited na ko noon na parang magtatapat siya sa akin na gusto niya ako. Parang alam mo ‘yung in reality hindi pala. Pareho pala kami ng gusto."

Read also

Keanna Reeves, inaming iniyakan noon si John Prats

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Naging viral ang kwento ni Keanna matapos nitong magdulot ng tawanan sa host na si Boy Abunda at sa guest na si Myrtle Sarrosa. Ibinahagi rin ni Keanna na sinabi niya kay Rustom pagkatapos ng palabas, "Sana i-delay mo muna. Tayo muna tapos tsaka ka na magtapat."

Matatandaang sa loob ng Pinoy Big Brother house, dito unang inamin ni Rustom Padilla sa publiko ang kanyang tunay na kasarian. Sa isang emosyonal na pag-uusap kay Keanna Reeves, isiniwalat ni Rustom ang kanyang pinagdaanang trauma noong kabataan, kabilang na ang insidenteng binugbog siya ng kanyang ama nang mahuli siyang nakasuot ng damit-pambabae.

"Naglalaro kami ng mga kapatid ko, hindi ko alam kung bakit ako nakadamit-pambabae. Dumating bigla 'yong tatay ko. Hawak ako sa isang kamay, sinisinturon ako sa isang kamay," kwento ni Rustom.

Ayon kay Rustom, ang insidenteng ito ang naging simula ng kanyang "confusion" sa kanyang pagkatao. Ngunit natagpuan niya ang kanyang tunay na sarili nang manirahan siya sa Amerika noong 2002 at tuluyang nagpakilala bilang BB Gandanghari noong 2015.

Read also

Ogie Diaz, may binahagi tungkol kay Enrique Gil: "Love pa rin niya si Liza"

Bagamat may halong biro at saya ang alaala ni Keanna, naging bahagi siya ng mahalagang yugto ng buhay ni Rustom na nagbigay daan sa kanyang pag-amin at pagyakap sa kanyang tunay na identidad.

Si Janet Derecho Duterte o mas kilala bilang si Keanna Reeves ay isang actress at comedian. Tinanghal siyang big winner ng celebrity edition ng Pinoy Big Brother noong 2006. Una siyang nakilala noong December 2004 matapos niyang aminin na isa siyang esc0rt at ilan sa mga mambabatas ang kanyang mga kliyente.

Matatandaang nagbahagi ng kanyang opinyon si Keanna kaugnay sa naging pahayag ni Jennylyn Mercado. Ito ay ang paglabas ng opinyon ni Jennylyn tungkol sa ilang isyung panlipunan kagaya na lamang ng iniimbistigahang anomalya umano sa PhilHealth. Sinagot ito ni Arnel Ignacio at pinayuhan si Jennylyn tungkol sa kanyang pagsasalita sa mga isyung makaapekto raw sa magandang career ng aktres. Umani ng samu't saring reaksiyon ang paghahayag ng opinyon ni Keanna kaugnay sa isyu.

Read also

Honeylet Avanceña, emosyonal na nagbahagi ng kanyang statement

Naging usap-usapan rin ang panayam ni Morly Alinio kay Keanna. Dito ay inamin ni Keanna ang mga panandaliang mga relasyon niya sa ilang personalidad. Inamin niya rin na mayroong ilan na minahal niya at karamihan sa kanila ay parang dumaan lang sa kanyang buhay. Nabanggit niya rin na ang kanyang pinakahuling relasyon ay sa isang aktor na nasa pangangalaga ng Star Magic at nagsisimula sa F ang pangalan nito.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Proofreading by Glory Mae Monserate, copy editor at KAMI.com.gh.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate