Keanna Reeves, sinagot si Jennylyn Mercado kaugnay sa pahayag nito

Keanna Reeves, sinagot si Jennylyn Mercado kaugnay sa pahayag nito

- Nagbahagi ng kanyang opinyon si Keanna Reeves kaugnay sa naging pahayag ni Jennylyn Mercado kamakailan

- Matatandaang naglabas ng opinyon si Jennylyn kaugnay sa ilang isyung panlipunan kagaya na lamang ng iniimbistigahang anomalya umano sa PhilHealth

- Sinagot siya ito ni Arnel Ignacio at pinayuhan si Jennylyn tungkol sa kanyang pagsasalita sa mga isyung makaapekto raw sa magandang career ng aktres

- Umani ng samu't saring reaksiyon ang paghahayag ng opinyon ni Keanna kaugnay sa isyu

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa isang Facebook live video, nagbahagi ng kanyang saloobin si Keanna Reeves hinggil sa isyu patungkol kna Arnell Ignacio at Jennylyn Mercado.

Matatandaang naging laman ng mga balita ang dalawa matapos ang kani-kanilang opinyon hinggil sa mga isyung panlipunan.

Keanna Reeves, sinagot si Jennylyn Mercado kaugnay sa pahayag nito

Jennylyn Mercado (Photo from flickr.com/photos/danealegana/13780652395)
Source: UGC

Nitong mga nakaraang araw ay naging matapang ang mga pahayag ni Jennylyn Mercado sa hinggil sa iba't-ibang isyu. Kahit sa pagsasara ng ABS-CBN na maituturing na malaking kumpetisyon ng kanyang mother network na GMA ay nagpahayag siya ng pagsuporta.

Kamakailan nga ay naglabas siya ng saloobin hinggil sa lumabas na balita tungkol sa umano'y anomalya sa PhilHealth.

Sinagot naman siya ni Arnell Ignacio hinggil sa kanyang pagsasalita tungkol dito. Ani Arnell, maaring makaapekto raw sa magandang career ng aktres ang kanyang ginagawa.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sinang-ayunan naman ito ni Kianna. Pagtatanggol niya sa kaibigan, nagbibigay lamang naman daw ito ng payo ay hindi nito pinapatahimik ang aktres.

Naging samu't-sari ang reaksiyon ng tao dito. Mayroong sumang-ayon sa mga puntong ibinahagi ni Keanna:

Kaya lang dapat kasi bago mag kumento alam mo talaga ang totoong isyu.
Agree po. Dapat maingat sila dahil marami ang nakakabasa sa kanilang mga sinasabi.

Gayunpaman, mayroon ding kumontra sa kanyang opinyon:

Sa usapin na may kinalaman sa bansa, kahut sino may karapatang mag salita at mag bigay ng opinyon, artista ka man, mayaman o ordinaryong tao lamang.. Iba iba man ang opinyong nating lahat.
Miss Keanna... yun transparency madali maintindihan.... pag sure oi.... do u understand what is happening to our country?

Si Jennylyn Mercado ay isang Kapuso actress na nakilala matapos niyang manalo sa talent search na Starstruck ng GMA-7. Bukod sa pagiging aktres, nakilala din siya bilang mag-ng-aawit at product endorser.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Maging si Lolit Solis ay nagbahagi ng kanyang opinyon hinggil sa isyung kinasangkutan nila Arnell at Jennylyn.

Naging viral din kamakailan ang post ng Kapuso star hinggil sa SONA ni Pangulong Rody Duterte.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel