Ilang housemates sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition, opisyal nang pinakilala

Ilang housemates sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition, opisyal nang pinakilala

- Opisyal nang ipinakilala ni Kuya ang labing-apat na celebrity housemates mula sa GMA at ABS-CBN sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition

- Pumasok na sa iconic PBB house ang mga bagong housemates nitong Linggo, Marso 9, 2025 upang harapin ang mga hamon at pagsubok ni Big Brother

- Magkakaroon ng matinding kompetisyon at emosyon sa loob ng bahay habang sinusubok ang kanilang diskarte, abilidad, at pakikisama sa isa’t isa

- Mas makikilala ng publiko ang kanilang tunay na personalidad habang unti-unting nalalaman kung sino ang unang lalabas sa bahay ni Kuya

Opisyal nang ipinakilala ni Kuya ang labing-apat na celebrities mula sa GMA at ABS-CBN na magiging opisyal na housemates ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition. Ang mga bagong housemates ay pumasok na sa iconic PBB house nitong Linggo, Marso 9, 2025, kung saan pansamantala silang maninirahan at susubukin ang kanilang mga diskarte at abilidad sa loob ng bahay ni Kuya.

Read also

Pagsampa ng kaso sa suspek sa pagpaslang sa 17 anyos na aspiring model, hinahanda na

Ilang housemates sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition, opisyal nang pinakilala
Ilang housemates sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition, opisyal nang pinakilala (📷ABS-CBN/Facebook)
Source: UGC

Bukod sa pagkakakilanlan ng ugali at personalidad ng isa't isa, ang mga celebrity housemates ay sasailalim sa iba't ibang hamon at tasks na tiyak na magbibigay ng matitinding emosyon at kompetisyon sa loob ng bahay. Sa pagbubukas ng bagong edisyon ng PBB, inaasahang mas magiging kapanapanabik ang mga kaganapan sa loob ng bahay sa pagsasama-sama ng mga Kapuso at Kapamilya stars.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Narito ang opisyal na listahan ng mga housemates:

  • Michael Sager – "Ang Diligent Wonderson ng Marinduque"

  • Ashley Ortega – "Ang Independent Tis-ice Princess ng San Juan"

  • AZ Martinez – "Ang Miss Sunuring Daughter ng Cebu"

  • Will Ashley – "Ang Mama's Dreambae ng Cavite"

  • Josh Ford – "Ang Survivor Lad ng United Kingdom"

  • Charlie Fleming – "Ang Bubbly Breadteener ng Cagayan De Oro"

  • Dustin Yu – "Ang Chinito Boss-Sikap ng Quezon City"

Read also

Labi ng 17-anyos na apat na taon nang nawawala, nahukay sa loob ng septic tank

  • Mika Salamanca – "Ang Controversial Ca-babe-len ng Pampanga"

  • AC Bonifacio – "Ang Dedicated Showstopper ng Canada"

  • Esnyr – "Ang Son-sational Viral Beshie ng Davao Del Sur"

  • Brent Manalo – "Ang Gentle-linong Heartthrob ng Tarlac"

  • Klarisse De Guzman – "Ang Kwelang Soul Diva ng Antipolo"

  • River Joseph – "Ang Sporty Business Bro ng Muntinlupa"

  • Ralph De Leon – "Ang Dutiful Judo-son ng Cavite"

  • Kira Balinger – "Ang Hopeful Belle ng Cavite"

Ang Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition ay isang espesyal na edisyon ng PBB kung saan magsasama sa loob ng bahay ang Kapuso at Kapamilya celebrities. Susubukin ang kanilang diskarte, abilidad, at pakikisama sa mga hamon ni Kuya. Asahan ang matinding emosyon, kompetisyon, at eliminations habang bumubuo sila ng bagong samahan at estratehiya. Ito ang kauna-unahang pagsasanib-pwersa ng GMA at ABS-CBN stars sa loob ng iconic PBB house.

Read also

Lindsay Custodio, sinampahan ng cyber libel ng asawang si Frederick Cale

Matatandaang nagkaroon ng contract signing ang GMA Network at ABS-CBN sa Bahay ni Kuya para sa “Pinoy Big Brother Celebrity Edition Collab” Dumalo sa pirmahan ang mga opisyal ng dalawang network kabilang sina GMA President Gilberto Duavit Jr. at ABS-CBN President Carlo L. Katigbak.

Samantala, hindi natinag si Mavy Legaspi sa mga natanggap niyang pambabatikos matapos ianunsyo na isa siya sa mga bagong host ng Pinoy Big Brother (PBB). Sa kabila ng mga negatibong komento, ipinahayag ng aktor at TV host na mas pinili niyang ituon ang pansin sa kanyang pagpapabuti bilang isang host.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate