Katrina Halili, proud sa mga achievements ng anak na si Katie sa kabila ng kanyang kondisyon
- Ipinahayag ni Katrina Halili ang pagmamalaki sa anak niyang si Katie na may mild autism
- Ibinahagi ni Katrina na sa kabila ng diagnosis, agad niyang tinulungan si Katie sa pamamagitan ng therapy
- Ayon kay Katrina, masaya siya sa mga achievements ni Katie, lalo na sa pagkanta at pag-perform
- Nagkikita pa rin si Katie at ang ama niyang si Kris Lawrence ayon kay Katrina
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Ipinagmamalaki ng aktres na si Katrina Halili ang kaniyang anak na si Katie Lawrence sa kabila ng hamon ng mild autism na kinakaharap nito. Sa panayam niya sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Lunes, Pebrero 24, ibinahagi ni Katrina ang kaniyang karanasan bilang isang ina nang mapansin niyang may kakaibang kilos si Katie noong tatlong taong gulang pa lamang ito.

Source: Instagram
Ayon sa aktres, napansin niyang hindi nagbibigay ng eye contact si Katie sa ibang tao, isa sa mga pangunahing sintomas ng mild autism. Dahil dito, agad niyang ipinasuri ang anak sa isang espesyalista upang matukoy ang tamang diagnosis. “Sabi ng doctor niya, ipa-check ko daw kasi walang eye contact... ‘Yun nga, na-diagnose na po siya na meron,” ani Katrina.
Sa halip na matakot o itanggi ang kondisyon ng anak, mas pinili ng aktres na magpakatatag at bigyan ng tamang suporta si Katie. Aniya, bagama’t may ibang magulang na hindi matanggap ang ganitong sitwasyon, mas pinili niyang harapin ito nang buo ang loob. “May ganu’n e. May mga naririnig po akong ganu’n, ayaw [tanggapin]. Pero ako, siyempre sinunod ko kung ano ‘yung mga kailangan niya—therapy, ganyan,” pahayag ni Katrina.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Ngayon, masaya at proud ang aktres dahil maayos na ang kalagayan ni Katie at nagagawa nito ang mga bagay na kaniyang hilig, kabilang ang pagkanta at pag-perform sa mga mall shows. “Sobrang proud ako sa kaniya at saka happy ako, Tito Boy, kasi ‘yung mga gaya ni Katie, dapat may outlet sila. So happy ako na meron siyang ibang ginagawa. Like mahilig siya sa music, mahilig siyang kumanta. Sobrang proud ako,” dagdag pa ng aktres.
Nang tanungin naman kung may koneksyon pa si Kris Lawrence sa buhay ni Katie, inamin ni Katrina na kahit paano ay nakikita pa rin ng ama ang kanilang anak. “Okay naman po, nagkikita naman po sila minsan,” aniya.

Read also
Mommy Min Bernardo, may paalala sa fans ni Kathryn: “Huwag kayo masyado naniniwala sa fake news”
Sa kabila ng mga pagsubok, nananatiling positibo at matatag si Katrina bilang isang ina, ipinapakita ang kaniyang walang katulad na pagmamahal at suporta para sa anak niyang si Katie.
Si Katrina Halili ay isang Filipina actress at model na sumikat matapos maging bahagi ng reality talent show na StarStruck ng GMA Network noong 2003. Kilala siya sa pagganap bilang kontrabida sa iba't ibang teleserye gaya ng Marimar, Darna, at Majika. Bukod sa pagiging aktres, naging tanyag din siya bilang isa sa mga pinakasexy na celebrities sa Pilipinas, na ilang beses na napabilang sa FHM Philippines' S3xiest Women. Sa kabila ng kanyang matagumpay na karera, dumaan siya sa ilang kontrobersiya ngunit patuloy na aktibo sa industriya ng showbiz.
Binahagi ni Katrina Halili ang reaksiyon ng anak niyang si Katie sa kanyang pagiging stage mommy. Makikita sa video na sinasabayan ni Katrina ang sayaw ng anak para magaya siya nito. Gayunpaman, tila hindi ito kinatuwa ng anak at nakasimangot kaya tumigil na lamang si Katrina . Pabiro namang tinanong ni Katrina na kung bakit kaya hindi natuwa ang anak at marahil daw ay mali ang kanyang steps sa sayaw.
Samantala, binahagi ni Kris Lawrence ang isang video kung saan makikitang parehas silang dumalo ni Katrina Halili sa isang event kung saan kumanta ang anak nilang si Katie. Hindi man sila nagkatuluyan ay maayos ang co-parenting setup nina Kris at Katrina na kapwa supportive sa anak nila. Makikita si Kris na proud na kumukuha ng video habang kumakanta ang anak. Si Katrina naman ay may hawak ding mikropono at sinasabayan si Katie para magabayan ito sa kanyang kanta.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh