Katrina Halili, binahagi ang video ng reaksiyon ng anak niya sa kanyang pagiging stage mommy

Katrina Halili, binahagi ang video ng reaksiyon ng anak niya sa kanyang pagiging stage mommy

- Binahagi ni Katrina Halili ang reaksiyon ng anak niyang si Katie sa kanyang pagiging stage mommy

- Makikita sa video na sinasabayan ni Katrina ang sayaw ng anak para magaya siya nito

- Gayunpaman, tila hindi ito kinatuwa ng anak at nakasimangot kaya tumigil na lamang si Katrina

- Pabiro namang tinanong ni Katrina na kung bakit kaya hindi natuwa ang anak at marahil daw ay mali ang kanyang steps sa sayaw

Ibinahagi ni Katrina Halili kamakailan sa kanyang social media ang isang nakaaaliw na video kung saan makikita ang reaksiyon ng anak niyang si Katie sa kanyang pagiging stage mommy.

Sa video, makikita si Katrina na masigasig na sinasabayan ang sayaw ng anak upang magaya siya nito.

Katrina Halili, binahagi ang video ng reaksiyon ng anak niya sa kanyang pagiging stage mommy
Katrina Halili, binahagi ang video ng reaksiyon ng anak niya sa kanyang pagiging stage mommy
Source: Instagram

Gayunpaman, tila hindi natuwa si Katie sa ginawang ito ng kanyang ina. Makikita sa video na nakasimangot si Katie habang patuloy na ginagaya ni Katrina ang kanyang mga galaw sa sayaw. Dahil dito, huminto na lamang si Katrina at nagpasya na hayaang mag-isa si Katie sa kanyang pagsasayaw.

Read also

Andrea Brillantes nagbahagi ng payo sa kanyang mga kaedad: "Be single"

Sa huli, pabirong tinanong ni Katrina sa kanyang post ang kanyang anak kung bakit hindi ito natuwa sa kanyang pagsali. Biro pa niya, marahil daw ay mali ang kanyang mga steps kaya hindi nasiyahan si Katie. Ang nakakatuwang tagpo na ito ay umani ng iba't ibang reaksiyon mula sa mga netizens na natuwa sa pagiging hands-on mommy ni Katrina sa kanyang anak.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Si Maria Katrina Irene Pe Halili o mas kilala bilang Katrina Halili, ay isang aktres na nakilala sa Starstruck, isang talent search sa GMA-7. Ipinanganak niya si Katrence noong September 2012.

Matatandaang binahagi Katrina ang isang pasilip sa kanyang pinagawang bahay. Siya mismo daw ay naging hands-on sa pamimili ng mga materyales at furnitures sa kanyang bahay sa tulong ng kanyang mga kaibigan. Namalagi daw sila ni Katie sa bahay ng celebrity manager na si Van Sayosa sa loob ng dalawang buwan habang ginagawa ang kanyang bahay.

Matatandaang naging usap-usapan at palaisipan sa mga netizens ang tunay na relasyon nina John Lloyd Cruz at Katrina. Ito ay matapos ibahagi ni Katrina ang kanilang mga litrato na kasama nila maging ang anak ng aktor sa dating karelasyon na si Ellen Adarna. Sa isang Showbiz News Update episode ni Ogie Diaz, napag-alamang magkaibigan lamang ang dalawa. Ang karelasyon umano ni Katrina ang malapit na kaibigan din ng aktor kaya maging sila ay naging magkaibigan.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Online view pixel