Philmar Alipayo, binahagi sa IG story ang kanyang komento sa gitna ng kontrobersiya
- Naglabas ng matapang na pahayag si Philmar Alipayo sa Instagram story upang sagutin ang mga akusasyon laban sa kanya
- Nanawagan siya sa publiko na itigil ang paninira at pagbibintang nang walang basehan habang pinaninindigan ang kanyang pamilya
- Iginiit niyang hindi siya abusado o seloso at nilinaw na wala siyang intensyong makipag-away sa sinuman
- Nagpahayag ng suporta si Fe Escatron Alipayo at sinabing mahalaga ang pagmamahal sa pamilya sa kabila ng kontrobersiya
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Sa gitna ng lumalawak na kontrobersiya, naglabas ng matapang na pahayag si Philmar Alipayo sa kanyang Instagram story upang sagutin ang mga akusasyon laban sa kanya. Nanawagan ang professional surfer sa publiko na itigil ang paninira at pagbibintang nang walang basehan.
![Philmar Alipayo, binahagi sa IG story ang kanyang komento sa gitna ng kontrobersiya Philmar Alipayo, binahagi sa IG story ang kanyang komento sa gitna ng kontrobersiya](https://cdn.kami.com.ph/images/1120/040e156050b15482.jpeg?v=1)
Source: Instagram
(Ttanslated from Siargaonon) "Mga kaibigan, kapatid, o sino man diyan, huwag na sanang manira, manawag ng masama, o magbintang nang walang basehan. Pare-pareho tayong tao at pare-pareho tayong may pamilya. Mayroon tayong mga magulang at mga anak na makakakita at makakarinig ng masasakit na bagay. Una sa lahat, ito ang buhay ko at pamilya ko, at hindi kami nanghihimasok sa buhay ng iba dahil hindi rin naman kami hinimasukan," ani Philmar.
Iginiit din niya na hindi siya abusado o seloso gaya ng sinasabi ng iba at nilinaw niyang wala siyang intensyong makipag-away. "Bahala kayo kung ano ang iniisip ninyo, basta huwag ninyo akong idadamay," dagdag pa niya.
Samantala, nagbigay rin ng suporta si Fe Escatron Alipayo kay Philmar sa pamamagitan ng isang pahayag. "Tama si Philmar Alipayo, alam ng Diyos ang lahat. Ang mahalaga, mahal mo ang pamilya mo. Nandito lang kami para suportahan kayo," ani Fe.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
![Philmar Alipayo, binahagi sa IG story ang kanyang komento sa gitna ng kontrobersiya Philmar Alipayo, binahagi sa IG story ang kanyang komento sa gitna ng kontrobersiya](https://cdn.kami.com.ph/images/1120/4c0a7513d161402f.jpeg?v=1)
Source: Instagram
Sa kabila ng mga usapin, nananatiling kalmado si Philmar at inuuna ang kanyang pamilya sa gitna ng kontrobersiya.
Usap-usapan ngayon sa social media ang tila hindi na pagkaka-follow nina Andi at Philmar sa isa't isa sa Instagram. Napansin ito ng mga netizens matapos mag-post si Andi ng sunod-sunod na cryptic messages sa kanyang Instagram Stories, na tila may kinalaman sa isang hindi malinaw na isyu sa kanyang buhay personal.
Isa sa mga naging makahulugang post ni Andi ay, "I just found out it's the year of the snake!! I thought it was the year of the wolf in sheep's clothing!" Bukod dito, ibinahagi rin niya ang isang tanong na kanyang ipinaabot sa ChatGPT tungkol sa isang isyu sa pagitan ng isang "life partner" at isang kaibigan, na ayon sa kanya ay nagbigay ng validation sa kanyang nararamdaman.
![](https://cdn.kami.com.ph/images/360x203/cb3f1567d76a3f45.jpeg?v=1)
Read also
Ina ng 13-anyos na biktima sa Malolos viral video: "Kahit bata ‘yun, ang dami, isa lang anak ko”
Si Andi Eigenmann ay isang, product endorser at movie star. Siya ay nagmula sa prominenteng angkan ng mga artista ng mga Eigenmann. Anak siya ng award-winning aktres na si Jaclyn Jose at Mark Gil.
Marami ang natuwa sa video na binahagi ni Andi sa kanilang YouTube channel kung saan binahagi niya ang kanilang bonding moment kasama ang mga anak na sina Ellie, Lilo at Koa sa kanilang bakuran. Gumawa sila ng kanilang DIY experiment na rocketship at makikita ang tuwa sa kanilang mga mukha sa simpleng libangan nila. Marami ang lalong humanga sa simpleng kasiyahan ng mag-iina sa kanilang bahay sa Siargao.
Samantala, ayon kay Gabby Eigenmann, nasa plano daw na dadalhin sa Siargao ang abo ni Jaclyn Jose pero hindi pa daw ito kumpirmado. Nabanggit daw ni Andi na 'Uwi na tayo Nanay' at aniya ay maraming pwedeng maging ibig sabihin ito. Hindi daw niya makalimutan ang sinabing ito ni Andi na umantig din maging sa mga taong nakarinig niyon. Aniya, ang bagay na hindi niya makakalimutan sa kanyang Tita Jane ay ang pagiging ina nito sa kanyang mga anak.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh