Ken Chu, nag-post kasunod ng paglabas ng balita tungkol sa pagpanaw ni Barbie Hsu

Ken Chu, nag-post kasunod ng paglabas ng balita tungkol sa pagpanaw ni Barbie Hsu

  • Nag-post si Ken Chu ng isang black photo sa kanyang Instagram story bago ibinahagi ang reunion picture kasama ang cast ng Meteor Garden
  • Kasama niya sa larawan sina Jerry Yan, Vic Chou, Vanness Wu, at Barbie Hsu na nagdala ng nostalgia sa kanilang mga tagahanga
  • Ginampanan ni Ken Chu ang karakter na si Ximen habang si Barbie Hsu naman ay si Shan Cai sa hit Taiwanese series na sumikat noong 2001
  • Wala pang opisyal na pahayag si Ken Chu at iba pang kasamahan nila sa 'Meteor Garden' tungkol sa nakakalungkot na balita

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Nagtrending sa social media ang aktor na si Ken Chu matapos niyang mag-post ng isang black photo sa kanyang Instagram story bago ibinahagi ang isang larawan kasama ang kanyang dating mga kasamahan sa hit Taiwanese series na Meteor Garden.

Ken Chu, nag-post kasunod ng paglabas ng balita tungkol sa pagpanaw ni Barbie Hsu
Ken Chu, nag-post kasunod ng paglabas ng balita tungkol sa pagpanaw ni Barbie Hsu (@kenchu9/Instagram)
Source: Instagram

Makikita sa naturang larawan ang apat na orihinal na miyembro ng F4—Jerry Yan, Vic Chou, Vanness Wu—kasama si Ken Chu at ang leading lady ng serye na si Barbie Hsu. Ang reunion photo na ito ay umani ng samu't saring reaksiyon mula sa mga tagahanga ng iconic na drama na unang sumikat noong 2001.

Read also

Netizens, napansing hindi naka-follow kay Moira Dela Torre ang ilang mga Cornerstone artists

Matatandaang ginampanan ni Ken Chu ang karakter ni Ximen sa Meteor Garden, habang si Barbie Hsu naman ay si Shan Cai, ang pangunahing tauhan sa kuwento. Ang Meteor Garden ay isa sa mga pinakasikat na Asian dramas noong dekada 2000 at naging inspirasyon para sa iba’t ibang adaptasyon sa iba’t ibang bansa.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Iniulat ng media na pumanaw ang Taiwanese actress na si Barbie Hsu sa edad na 48 dahil sa pulmonya matapos mahawa ng influenza habang nagbabakasyon sa Japan.

Si Barbie Hsu ay naunang ikinasal sa Chinese entrepreneur na si Xiaofei noong 16 November 2010 sa isang civil ceremony sa Beijing. Pinakanakilala siya nang gumanap siya Sancai sa 2001 television series na Meteor Garden kung saan naitambal siya kay Jerry Yan.

Matapos mapabalita ang tungkol sa kanilang paghihiwalay noong nakaraang taon, tuluyan nang isinapubliko ni Barbie at ng kanyang mister ang kanilang paghihiwalay. Lumabas ang balita tungkol sa umano'y pinagdadaanang pagsubok ni Barbie at ng kanyang asawa Hunyo ng taong 2021.

Matatandaang mahigit tatlong buwan matapos ang kanyang divorce sa unang asawa, isinapubliko ng Taiwanese star ang tungkol sa kanyang pagpapakasal. Ibinahagi niya sa kanyang Instagram account ang mismong IG post ng South Korean rapper na si Koo Jun-yup.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate