Ama ni Paul Salas, aminadong nagkaroon siya ng sama ng loob sa dating kasintahan ng anak

Ama ni Paul Salas, aminadong nagkaroon siya ng sama ng loob sa dating kasintahan ng anak

  • Inamin ni Jim Salas, ama ni Paul Salas, na nagkaroon siya ng sama ng loob sa ex-girlfriend ng anak na si Barbie Imperial
  • Sinabi ni Jim na nasaktan siya dahil itinuring niyang parang anak si Barbie ngunit hindi naging maayos ang kanilang hiwalayan
  • Naging kontrobersyal ang hiwalayan nina Paul at Barbie dahil sa alegasyon ng pananakit na ibinahagi ng aktres
  • Masaya na ngayon si Paul sa relasyon niya kay Mikee Quintos, habang si Barbie ay nali-link kay Richard Gutierrez

Inamin ni Jim Salas, ama ng Kapuso actor na si Paul Salas, na nagkaroon siya ng sama ng loob sa dating kasintahan ng anak na si Barbie Imperial. Sa isang episode ng “Lutong Bahay,” ibinahagi ni Jim ang kanyang saloobin tungkol sa naging hiwalayan ng dalawa at ang epekto nito sa kanilang pamilya.

Ama ni Paul Salas, aminadong nagkaroon siya ng sama ng loob sa dating kasintahan ng anak
Ama ni Paul Salas, aminadong nagkaroon siya ng sama ng loob sa dating kasintahan ng anak (GMA Public Affairs/YouTube, @msbarbieimperia/Instagram)
Source: Instagram

“Ako, aaminin ko talagang sumama ang loob ko. Dahil siyempre bilang magulang, malalaman mo ‘yong balita na gano’n. Para sa amin, hindi siya fair na gano’n after all,” pahayag ni Jim.

Read also

BB Gandanghari, ikinalungkot nang sabihin sa kanya ng ina, ‘Sino siya?’

Dagdag pa niya, “Itinuring ko siyang parang anak na rin, e. Kasi ako, basta mahal ng anak ko, mahal ko na rin. Tapos parang kami pa ‘yong pinalabas na gano’n. Na-hurt ako.”

Matatandaang hindi naging maayos ang paghihiwalay nina Paul at Barbie dahil sa kontrobersyal na alegasyon ng pananakit. Naging usap-usapan noon ang mga larawan ni Barbie na nagpapakita ng mga pasa sa katawan na umano’y resulta ng isyu sa kanilang relasyon.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Gayunpaman, tila naka-move on na ang dalawa at masaya sa kani-kanilang buhay pag-ibig. Si Paul ay kasalukuyang karelasyon ang Kapuso actress na si Mikee Quintos, habang si Barbie naman ay nali-link ngayon sa Kapamilya actor na si Richard Gutierrez.

Nakilala si Barbie Imperial matapos niyang sumali sa Pinoy Big Brother: 737 kung saan nakilala siya bilang "The Doll along the Riles of Albay." Pinsan siya nina Michelle at Marco Gumabao.

Samantala, ayon kay Barbie, bati na sila ng kontrobersiyal na social media personality na si Xian Gaza. Ito ay dahil sa umano'y panonood ni Xian sa kanyang kauna-unahang vlog episode na kanyang binahagi sa kanyang YouTube channel. Kabilang si Xian sa mga lalaking tinanong kay Barbie kung "jojowain o totropahin" niya at sinabi niyang totropahin lang si Xian dahil lagi niya itong inaaway. Matatandaang nag-viral ang reaction video ni Xian sa naturang vlog ni Barbie kung saan hindi nito maitago ang kanyang kilig.

Read also

'Sampaguita Girl,' 22-anyos na first-year medical technology student ayon sa mga magulang nya

Kinaaliwan ang pagsorpresa ni Barbie ang ilang food delivery riders sa pamamagitan ng pagkaing siya mismo ang nag-order. Sa kanyang bagong vlog, pinakita niya ang mga naging reaksiyon ng drivers nang malaman nilang para pala sa kanila ang mga pagkaing dapat ay i-dedeliver nila. Ayon kay Barbie, dahil marami siyang natatanggap na biyaya ay naisipan nila ng kanyang team na magbahagi din ng biyaya. Isa sa mga riders na kanyang nabigyan ay bahagyang naging emosyonal dahil hindi pa daw siya nakaranas na mabigyan kagaya sa ginawa ni Barbie.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate