Bugoy Cariño at EJ Laure, nag-share ng pre-wedding photos; kasal nalalapit na
- Sina Bugoy Cariño at EJ Laure ay nagbahagi ng pre-wedding photos para sa nalalapit nilang kasal
- Na-engage ang magkasintahan noong Setyembre 2023 sa birthday celebration ni Cariño
- Taong 2020 nang isiwalat ng dalawa na mayroon na silang anak
- Si Cariño ay 16 taong gulang noon habang si Laure ay 21
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Nagbigay ng kilig sa kanilang mga tagahanga sina dating child actor Bugoy Cariño at volleyball player EJ Laure matapos nilang ibahagi ang mga larawan mula sa kanilang pre-wedding shoot.
Sa social media post ni Laure noong Huwebes, ipinakita niya ang mga litrato na kuha ng Nice Print Photography. Isa sa mga larawan ay nagpapakita kina Cariño at Laure na nakasuot ng wedding veil habang nasa loob ng isang covered court.
"2 months to go 🫣😍 #sENNAallmayROGEL," saad sa kanilang caption.
Samantala, nag-post din si Cariño sa Instagram tungkol sa nalalapit nilang kasal.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Matatandaang inanunsyo ng magkasintahan ang kanilang engagement noong Setyembre 2023. Si Cariño ay nag-propose kay Laure sa harap ng kanilang mga kaibigan sa kanyang birthday celebration.
Noong 2020, ibinahagi ng dalawa na mayroon na silang anak. Sa isang panayam kay Karen Davila, inamin ni Cariño na una niyang naisip na ipa-abort ang kanilang anak upang mapanatili ang kanyang showbiz career. .
Sa kabila ng mga hamon, pinatunayan ng magkasintahan na ang kanilang pagmamahalan ay matibay at handa na silang tahakin ang bagong yugto ng kanilang buhay bilang mag-asawa.
Si Bugoy Cariño ay tinanghal na grand winner ng Star Circle Kid Quest, isang talent search sa ABS-CBN. Naging bahagi rin siya ng youth-oriented comedy show na Goin' Bulilit. Kalaunan ay naging miyembro din siya ng all-male group na Hashtags sa noontime show na It's Showtime. Si EJ Laure naman ay isa sa pinakasikat na volleyball player ng University of Santo Tomas Golden Tigresses.
Matatandaang buong tapang na inamin ni Bugoy na unang plano nila sa kanilang anak ng dating volleyball star na si EJ. Dala ng kabataan, naisip daw talaga nilang ipatanggal na lang sana ang nasa sinapupunan ng kanyang girlfriend. Subalit dala ng matinding pagdarasal at pagkausap sa kanyang ama, hindi na ito naipagawa ni Bugoy kay EJ. Ngayon, masayang-masaya silang mag-anak kasama ang tatlong taong gulang na nilang anak na si Scarlet.
Sa kabila ng mga pinagdaanan ng dating child star, masasabing unti-unti na raw siyang nakabangon. Matatandaang naging batang ama si Bugoy, dahilan upang mawalan umano siya ng mga proyekto sa showbiz. Subalit ngayon, nabigyan pa niya ng negosyo ang ama at maayos din ang kinikita niya sa pag-FB stream niya ng kanyang laro. Aniya, tila mas malaki pa nga raw ang sinasahod niya ngayon kaysa noong nag-aartista pa siya.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh