Keempee de Leon, nagsalita na tungkol sa Pepsi Paloma movie ni Darryl Yap
- Isa si Keempee de Leon sa pangunahing cast ng bagong serye ng GMA-7 na Prinsesa ng City Jail na magsisimula sa Enero 13, 2025
- Gumanap siya bilang Dado, isang jail warden na nag-alaga sa karakter ni Princess (Sofia Pablo), isang batang ipinanganak sa loob ng kulungan
- Sa media conference ng serye, tumanggi si Keempee na magbigay ng komento sa muling binuhay na isyu tungkol sa kanyang ama at sa kontrobersiyang kaugnay ni Pepsi Paloma
- Sinabi niya na mas pinipili niyang manahimik at iwasan ang isyu upang makapagpokus sa kanyang bagong proyekto
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Sa media conference ng ng bagong afternoon drama ng GMA-7 na Prinsesa ng City Jail na ginanap nitong Enero 7 sa Studio 7 ng GMA Network, umani ng interes ang papel ni Keempee na unang pagkakataon niyang gumanap bilang jail warden.
Gayunpaman, napunta rin ang atensyon sa kontrobersiyal na pelikula ni Direk Darryl Yap na muling binuhay ang isyu tungkol sa yumaong aktres na si Pepsi Paloma, kung saan nadawit ang ama ni Keempee na si Joey de Leon, pati na sina Vic Sotto at Richie D’Horsie.
Sa video ng panayam na binahagi sa Very W^ng FB page, sinabi ni Keempee na wala siyang komento ukol sa isyu dahil hindi niya raw alam ang mga detalye nito. Aniya, “I’m sorry, ha? Mahal ko kayong lahat, pero I’m not in a position to say anything about that. Kasi, honestly, wala naman akong alam diyan. Hindi ko naman alam yung mga puno’t dulo nung araw kung ano yung nangyari.”
Dagdag pa niya, nakakagulat na muling binuhay ang isyu matapos ang mahabang panahon. “Nakakalungkot lang kasi nananahimik na yung mga tao, tapos biglang may pasabog na ganito. Hayaan na natin sa hukay,” wika ni Keempee, na nagdiriwang ng kanyang ika-52 na kaarawan ngayong Enero 8.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Nilinaw din ni Keempee na hindi nila pinaguusapan ng kanyang ama ang isyu, lalo’t kakabati lang nila kamakailan. Mas pinipili niyang ituon ang pansin sa kanyang bagong proyekto na Prinsesa ng City Jail.
Si Keempee de Leon ay isang beteranong aktor, komedyante, at television host sa Pilipinas. Anak siya ng kilalang TV host-comedian na si Joey de Leon at ng dating aktres na si Daria Ramirez.
Nagbigay si Keempee de Leon ng medyo hindi inaasahang rebelasyon sa reunion ng mga bituin ng That's Entertainment sa espesyal na 8th anniversary episode ng Tonight with Arnold Clavio. Sa naturang mini-reunion, ibinunyag ni Keempee na naging magkasintahan pala sila ni Ara Mina noong panahon ng kanilang pagganap sa youth-oriented show.
Walang pag-aatubiling ibinunyag ni Keempee ang mga pangalan ng kanyang mga dating kasintahan sa showbiz. Ayon sa KAMI, napag-usapan niya ang tungkol sa kanila sa kanyang panayam sa Tonight With Boy Abunda. Inilahad niya na bukod kay Carmina Villarroel, nagkaroon din siya ng relasyon kina Vina Morales, Ara Mina, G. Toengi, Jessa Zaragoza, at Ina Raymundo noon.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh