Ruffa Gutierrez, pumalag sa mga nang-intriga sa New Year’s eve post niya

Ruffa Gutierrez, pumalag sa mga nang-intriga sa New Year’s eve post niya

  • Ipinost ni Ruffa Gutierrez ang mga larawan at video ng kanyang New Year’s Eve celebration kasama si Sunshine Cruz at mga anak nito
  • Nagpasalamat si Ruffa kay Sunshine sa pag-anyaya sa kanya at kay Lorin sa pagsalubong ng 2025
  • Ilang content creators ang nagpasiklab ng intriga at sinabing si Atong Ang, boyfriend ni Sunshine, ang nag-sponsor ng selebrasyon
  • Nilinaw ni Ruffa na hindi siya naniniwala sa pang-iintriga at pinaalalahanan ang mga netizens na magbago sa pagpasok ng bagong taon

Usap-usapan ngayon ang mga videos at litrato na ipinost ni Ruffa Gutierrez sa kanyang social media accounts kaugnay ng kanyang New Year’s Eve celebration. Sa post, pinasalamatan ni Ruffa ang malapit niyang kaibigan na si Sunshine Cruz sa pag-anyaya sa kanila ng kanyang panganay na si Lorin para salubungin ang 2025. Kasama rin sa selebrasyon ang mga anak ni Sunshine na sina Angelina, Sam, at Cheska, na ginanap sa isang marangyang hotel sa Parañaque City.

Read also

Vin Abrenica, sinagot ang netizen na pumuna sa pagpapakain nya ng Jolly Spaghetti sa anak

Ruffa Gutierrez, pumalag sa mga nang-intriga sa New Year’s eve post niya
Ruffa Gutierrez, pumalag sa mga nang-intriga sa New Year’s eve post niya
Source: Instagram

Ayon sa ulat ni Jun Lalin ng Abante, ilang content creators ang nagpasiklab ng intriga at sinabing si Atong Ang, na boyfriend umano ni Sunshine, ang nag-sponsor ng naturang selebrasyon. Ang tsismis na ito ay agad na nakarating kay Ruffa, na nagbigay ng matapang na reaksyon sa isyu.

Ani Ruffa, “Mga Marites! Magbago na kayong lahat… 2025 na! Hahaha!” Dagdag pa niya, “And mind your own business!” Pinuri ng marami ang prangkang sagot ni Ruffa, na nagsabing wala siyang kailangang ipaliwanag tungkol sa masaya nilang pagsalubong sa bagong taon.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Samantala, nananatiling bukas sina Sunshine at Atong tungkol sa kanilang relasyon, dahilan para hilingin ng ilang netizens na tigilan na ang pang-iintriga. Sa kabila ng mga usapin, masaya at puno ng pagmamahalan ang naging selebrasyon ng pamilya at malalapit na kaibigan.

Si Ruffa Gutierrez o mas kilala bilang si Sharmaine Ruffa Rama Gutierrez sa totoong buhay ay isang Pinay beauty queen, actress, at model. Ang kanyang mga magulang ay sina Eddie Gutierrez at Annabelle Rama. Nanalo siya bilang second runner-up sa Miss World 1993 pageant.

Read also

Trevor Magallanes, mariing itinanggi na nagkabalikan sila ni Rufa Mae Quinto

Pinagtanggol ni Annabelle Rama ang anak na si Ruffa sa gitna ng kinasasangkutan nitong kontrobersiya. Wala itong binanggit na pangalan ngunit pinagsabihan ni Anabelle ang taong aniya'y kung magkwento ay parang CCTV ni Ruffa. Aniya, huwag itong maging "chismosang Marites" at ayusin na lang umano nito ang kaso niya.

Ayon naman sa abogado ni Ruffa, black propaganda lamang ang nilabas na isyu kaugnay sa aktres. Ito umano ay dahil gaganap si Ruffa bilang si dating First Lady Imelda Marcos sa pelikulang Maid in Malacañang. Tinitingnan umano ng kampo ng aktres ang maaring gawing aksyon upang panagutin ang mga nagpapakalat ng maling impormasyon laban sa kanya.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate