Maris Racal, nanatiling Belo Baby; suportado pa rin ng Belo Medical Group

Maris Racal, nanatiling Belo Baby; suportado pa rin ng Belo Medical Group

- Nananatiling endorser si Maris Racal ng Belo Medical Group kahit may kontrobersyang kinasasangkutan siya

- Nakadisplay ang poster ni Maris para sa Q-Facial service sa entrance ng Belo clinic sa SM Megamall

- Sinabi ni Dra. Vicki Belo na bahagi ng "Belo family" si Maris at mahal nila siya

- Pinuri ng mga nakakita ang Belo Medical Group dahil sa kanilang patuloy na suporta kay Maris

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Sa kabila ng mga kontrobersyang kinasasangkutan ni Maris Racal kaugnay ng isyung lumutang sa pagitan nila ni Anthony Jennings at ng girlfriend nitong si Jamela Villanueva, nananatiling matatag ang suporta ng Belo Medical Group sa Kapamilya actress-singer.

Maris Racal, nanatiling Belo Baby; suportado pa rin ng Belo Medical Group
Maris Racal, nanatiling Belo Baby; suportado pa rin ng Belo Medical Group
Source: Instagram

Sa pagbisita sa Belo clinic na matatagpuan sa 5th floor ng SM Megamall, kapansin-pansin ang poster ni Maris na naka-display sa mismong entrance. Ang nasabing poster ay kaugnay ng Q-Facial service ng Belo clinic na ini-endorse ni Maris.

Nagbigay ng komento ang ilang naroon, “Nakakabilib na hindi siya binitiwan ni Dra. Vicki Belo! Sa mismong entrance pa ng clinic naka-display ang poster ni Maris. Ibig sabihin, hindi nila iniwan si Maris kahit pa may kontrobersya siyang kinakaharap.”

Read also

Davao Conyo, sinupalpal ang netizen na humiling ng content tungkol kay Maris Racal

Sa ulat ni Jun Lalin ng Abante, sa pamamagitan ng isang text exchange, ipinahayag daw ni Dra. Vicki Belo ang kanyang suporta kay Maris. “Of course. She’s a Belo baby and therefore family. We love her!”

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Maraming humanga sa pagiging loyal ng Belo Medical Group kay Maris. Siguradong malaking bagay ang patuloy na pagtitiwala ng kilalang cosmetic clinic sa Kapamilya star, lalo pa’t hindi biro ang mga pinagdadaanan nito sa kasalukuyan.

Patunay lamang ito na sa mundo ng showbiz at industriya ng endorsements, mahalaga ang pamilya – tulad ng pagpapakita ng Belo Medical Group sa kanilang pagiging matibay na suporta kay Maris Racal.

Si Mariestella "Maris" Cañedo Racal ay isang 23 anyos na Pinay actress, singer-songwriter, host, vlogger at endorser. Una siyang sumikat noong 2014 matapos niyang sumali sa Pinoy Big Brother: All In. Lumaki siya sa pamilyang mahilig sa musika at natutong tumugtog ng gitara sa murang edad.

Read also

Maris Racal na nagbigay komento sa "na-fall dahil sa sobrang lungkot", binalikan ng netizens

Napakomento si Maris sa mga larawang kuha ng isang fan na nanood ng Summer MMFF 2023 Parade of Stars. Makikitang blurred lahat ng kuha ng fan sa mga artistang nakasama niya sa picture. Bukod kay Maris, malabo rin ang kuha ng fan na nakasama sa larawan sina Enchong Dee at Kylie Padilla. Kaya naman hiling ni Maris na makita muli ito upang maayos silang makakuha ng picture.

Sa unang pagkakataon, nagsalita si Maris Racal tungkol sa nag-viral na larawan kung saan kapansin-pansin ang magkaparehas nilang sapatos ng aktor na si Anthony Jennings. Agad na naging usap-usapan sa social media ang litrato, na nagdulot ng samu't saring haka-haka mula sa mga netizens.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate