Jam Villanueva, nagbigay ng payo sa follower na naging “side chick”: “Don’t be that girl please”

Jam Villanueva, nagbigay ng payo sa follower na naging “side chick”: “Don’t be that girl please”

- Sinagot ni Jam Villanueva ang mensahe ng isang follower na nagsabing naging side chick siya nang hindi niya alam

- Pinayuhan niya ang follower na huwag nang ulitin ang ganitong sitwasyon at piliin ang mas mabuting landas sa hinaharap

- Binigyang-diin niya ang kahalagahan ng respeto sa sarili at sa iba, lalo na sa larangan ng pag-ibig

- Ang sagot ni Jam ay umani ng positibong reaksyon mula sa kanyang followers na humanga sa kanyang pagiging totoo

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Isang makabuluhang sagot ang ibinigay ni Jam Villanueva, ex ni Anthony Jennings, sa isang follower sa Instagram na umamin na naging "side chick" siya nang hindi niya alam. Sa isang Q&A session noong Nobyembre, nagbahagi ang follower ng kanyang karanasan, sinasabing, "He treated me so well, I didn’t know I was the side chick."

Jam Villanueva, nagbigay ng payo sa follower na naging “side chick”: “Don’t be that girl please”
Jam Villanueva, nagbigay ng payo sa follower na naging “side chick”: “Don’t be that girl please”
Source: Instagram

Agad itong sinagot ni Jam ng tila punong-puno ng emosyon, "Shuccckkksss omgggg gurrrl run!!!! Don’t be that girl please."

Read also

Maris, kaya di pa noon mai-public ni Anthony ang breakup: "Sila pa pala this whole entire time"

Dagdag pa ni Jam, pinaliwanag niya na hindi kasalanan ng follower dahil hindi naman nito alam ang tunay na estado ng lalaki. Gayunpaman, pinaalalahanan niya ito na piliin ang mas mabuting landas sa hinaharap.

"You didn’t know naman!! But I hope you choose to be better, my dear. Wag kang maging katulad ng iba na kahit alam nilang committed na yung isa, wala lang sa kanila para lang sa sarili nilang satisfaction," ani Jam.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Jam Villanueva, nagbigay ng payo sa follower na naging “side chick”: “Don’t be that girl please”
Jam Villanueva, nagbigay ng payo sa follower na naging “side chick”: “Don’t be that girl please”
Source: Instagram

Ang payo ni Jam ay umani ng positibong reaksyon mula sa kanyang followers, na nagpasalamat sa kanyang pagiging totoo at diretso. Para kay Jam, mahalaga ang respeto sa sarili at sa ibang tao, lalo na sa larangan ng pag-ibig, kung saan madalas nasusubok ang mga moral na prinsipyo.

Si Anthony Jennings ay isang batang aktor sa Pilipinas na kilala sa kanyang mga proyekto sa telebisyon at pelikula sa ilalim ng ABS-CBN at Star Magic. Nagsimula siyang makilala sa industriya dahil sa kanyang talento sa pag-arte at personalidad.

Read also

Glam team ni Maris Racal, nag-post kasunod ng nilabas na pahayag ng aktres

Si Jam Villanueva ay kilala hindi lamang bilang partner ng aktor na si Anthony Jennings kundi pati na rin sa kanyang pagiging relatable at tapat sa kanyang mga tagasunod sa social media.

Matatandaang nagbigay ng emosyonal na pahayag si Jam Villanueva, ang ex-girlfriend ni Anthony Jennings, sa pamamagitan ng kanyang Instagram story, kaugnay sa kanilang paghihiwalay. Sa kanyang post, inamin ni Jam na matagal niyang tinangka na panatilihing tahimik ang mga isyu, ngunit hindi na niya kayang manahimik matapos ang mga akusasyon laban sa kanyang pagkatao, mga intensyon, at pati na rin sa kanyang pamilya.

Inamin ng radio host at social media personality na si DJ Jhaiho na matagal na niyang alam ang umano’y relasyon nina Maris Racal at Anthony Jennings, dalawang buwan bago ito naging usap-usapan sa publiko. Ayon sa kanya, mismong si Jamela Villanueva, ex-girlfriend ni Anthony, ang nagbukas ng saloobin tungkol sa isyu.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate