Arjo sa isyung may anak na umano si Maine noon pa: "Hindi sila napapagod eh"

Arjo sa isyung may anak na umano si Maine noon pa: "Hindi sila napapagod eh"

- Naglabas ng saloobin si Arjo Atayde patungkol sa hindi mamatay na isyu na pagkakaroon ng anak ni Maine

- Ito umano ay patuloy na pinaniniwalaan ng AlDub fans, na umusbong sa naging love team nina Maine at Alden Richards

- Sa kabila ng kabulaanang ito, na-appreciate pa rin naman umano ni Congressman Arjo ang pagmamahal ng Aldub fans sa misis niyang si Maine

- Nakiusap na rin ito na respetuhin na sana ng mga taong ito ang kasal nila ni Maine

Nagpahayag ng saloobin si Arjo Atayde kaugnay sa mga AlDub fans na patuloy na nagba-bash sa kanilang mag-asawa, partikular na sa isyu ng pagkakaroon ng anak ni Maine Mendoza.

Arjo sa isyung may anak na umano si Maine noon pa: "Hindi sila napapagod eh"
Arjo sa isyung may anak na umano si Maine noon pa: "Hindi sila napapagod eh" (Arjo Atayde)
Source: Facebook

Sa panayam sa kanya ni Ogie Diaz, naglabas ng saloobin si Arjo ukol sa hindi mamatay-matay na isyu na ito.

“Hindi sila napapagod e. Ang tagal na Mama Ogs, e,” ani Arjo tungkol sa mga patuloy na komento mula sa mga fans.

Read also

Arjo Atayde sa mga nagtatanong sa kanila ni Maine kung kailan magkakaanak: "Nasanay na kami"

Tiniyak ni Arjo na nauunawaan nila ang pagmamahal ng mga fans para kay Maine, ngunit ipinahayag niyang lahat ng ito ay galing sa pagmamahal sa aktres at sa dati nitong love team kasama si Alden Richards.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Subalit, binigyang-diin niya na may mga hangganan din sila bilang mga aktor. “I appreciate the love that they showed for Maine. That’s all coming from love. The way they admired Maine and the love team. But we all have limitations as actors naman and we all see this course through the screen,” dagdag pa niya.

Sa kabila ng mga bashings at hindi pagkakaintindihan, sinabi ni Arjo na hindi na siya naapektuhan pa. “I knew I was gonna get bashed. I really don’t care what people have to say. If it’s not true, why bother? I can die tomorrow, why would they think about what you’re saying,” aniya.

Ipinahayag ni Arjo na nauunawaan niya kung saan nanggagaling ang mga fans, ngunit umaasa siyang sana ay magkaintindihan sila at sana’y respetuhin na kasal na si la ni Maine. “So I hope that maintindihan nila ako, at kami, especially Maine, of course my wife to stop all these unnecessary comments. Wala naman talagang katotohanan,” sabi ni Arjo.

Read also

Daniel, nanibago umano sa paggawa ng action matapos ang signature romantic drama ng KathNiel

Nilinaw din ni Arjo na wala pang anak si Maine at ipinagmalaki niyang parehong “married single” sila. “Wala siyang anak, wala rin akong anak. We’re both married single. So I hope people respect that. Tigil-tigilan na po ‘yung pagba-bash,” aniya.

Sa kabila ng lahat ng ito, patuloy na nagpapakita si Arjo ng pagmamahal at suporta kay Maine, at nananawagan siya ng respeto para sa kanilang relasyon at personal na buhay.

Si Arjo Atayde ay aktor na nakilala sa kanyang mahusay na pagganap sa ilang teleserye kagaya ng Hanggang Kailan, The General’s Daughter, at sa iWant original series na Bagman kung saan nakasungkit siya ng maraming acting awards. Anak siya ng respetadong aktres na si Sylvia Sanchez at kapatid ni Ria Atayde.

Matatandaang nagpakilig sa marami ang birthday greeting ni Arjo kay Maine na nilarawan niyang 'best wife.'

Samantala, sa isang panayam kay Sylvia Sanchez, pinabulaanan nito na tatakbong Mayor si Arjo ng Quezon City.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica