Daniel, nanibago umano sa paggawa ng action matapos ang signature romantic drama ng KathNiel
- Natanong si Daniel Padilla kung ano ang pakiramdam nito na sasabak na siya sa paggawa ng action series
- Aminado mang nanibago, 'fulfilling' daw sa kanya kapag nagagawa nila ng tama ang mga pinaghandaang stunts
- Matatandaang romantic comedy o di kaya'y drama ang madalas na tema ng proyekto ng dati niyang love team na KathNIel kasama si Kathryn Bernardo
- Pinakaaabangan na ng marami ang paglabas ng Incognito na malapit na umanong mapanood
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Ipinahayag ni Daniel Padilla na nanibago siya sa paggawa ng action series, lalo na at kilala siya sa kanyang mga romantic comedies at drama sa mga proyekto niyang kasama ang kanyang ka-love team na si Kathryn Bernardo, na kilala sa tawag na 'KathNiel.'
Ayon kay Daniel, ang pagsabak sa isang action series ay isang bagong karanasan para sa kanya. "Syempre, it's very different, pero iba rin ito. Ito kasi yung action na magsimula yung araw mo, adrenalin rush na 'yun hanggang gabi," ani Daniel sa mediacon ng bago nilang serye, ang Incognito.
Ayon pa sa aktor, kahit mahirap ang ilang mga eksena, ang pakiramdam ng tagumpay matapos ang bawat stunt ay hindi matutumbasan. "Pagkadating mo sa hotel mo, very fulfilling din. Kasi may mga stunts din na hindi madadali, pero 'pag nagawa namin 'yun, very fulfilling."
Idinagdag ni Daniel na kahit bago pa ang ganitong uri ng proyekto para sa kanya, masaya siya sa bagong hamon na ito. "It's very different. Syempre it's still very new for me, pero masaya," dagdag pa niya. Sinabi rin niyang magtatagal siya sa ganitong uri ng trabaho at gagawin ito ng mahabang panahon.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Bagamat kilala si Daniel sa mga romcom at romantic dramas, ang pagsabak niya sa action series ay nagpapakita ng kanyang kahandaan na mag-explore at magbukas ng bagong chapter sa kanyang career bilang isang aktor lalo na at mula siya sa pamilya ng mga kilalang action stars sa Pilipinas.
Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag:
Si Daniel Padilla ay isang aktor at modelo sa Pilipinas. Anak siya ni Karla Estrada at aktor na si Rommel Padilla. Mas naging matunog ang pangalan ni Daniel nang pumatok sa publiko ang love team nila ni Kathryn Bernardo na kanyang naging totoong kasintahan sa loob ng 11 na taon.
Nobyembre 30 ng nakaraang taong 2023, halos sabay na kinumpirma nina Kathryn at Daniel ang kanilang paghihiwalay na matagal nang naging bali-balita bago pa man ipalabas ang pelikula ni Kathryn na A Very Good Girl. Sa pamamagitan ng kani-kanilang post, naglahad ng saloobin ang dalawa upang ipaunawa lalo na sa kanilang mga fans ang parehong desiyon na mayroon pa rin umanong respeto at pagmamahal.
Mabilis na nag-viral ang umano'y teaser ng bago nilang proyekto na 'Incognito' kung saan kabilang din sina Baron Geisler, tambalang Maris Racal at Anthony Jennings at Kaila Estrada. Tulad ni Daniel, ito rin ang masasabing balik telebisyon ni Richard Gutierrez at Ian Veneracion.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh