Cristy, nabanggit na kaibigan niya ang umano'y nakabili ng van ni Daniel Padilla

Cristy, nabanggit na kaibigan niya ang umano'y nakabili ng van ni Daniel Padilla

- Nabanggit ni Cristy Fermin na isang kaibigan niya ang umano'y nakabili ng van na dating pagmamay-ari ni Daniel Padilla

- Isa umano ito sa mga ari-ariang napapabalitang ibinibenta ng pamilya ni Daniel

- Maging ang tahanan ni Daniel ay isa rin sa sinasabing ibinibenta ng aktor sa nakakalulang halaga

- Hindi naman daw ito pinaniniwalaan ni Cristy gayung pinag-ipunan ito ng aktor at umano'y dugo't pawis ang naging puhunan nito dito

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Sa bagong episode ng Showbiz Now Na! isa sa natalakay nina Cristy Fermin, Romel Chika at Wendell Alvarez ay tungkol sa mga ari-ariang ibinibenta 'di umano ng pamilya ni Daniel.

Cristy, nabanggit na isang kaibigan niya ang umano'y nakabili ng van ni Daniel Padilla
Daniel Padilla (@supremo_dp)
Source: Facebook
"May isang kaibigan ako, nakabili ng van niya. Oo, kaya 'pag tinatanong ko, ganda-ganda naman ng van mo... Ito 'yung dating sasakyan ni Daniel Padilla"

Read also

Cristy Fermin, 'di naniniwalang ibinebenta ni Daniel Padilla ang sariling bahay

Matatandaang kamakailan lamang ay napabalitang nabenta na ang isa sa mga mamahaling sasakyan ni Daniel na umano'y naging kabahagi nito si Kathryn Bernardo.

Gayunpaman, hindi naman daw umano naniniwala si Cristy na isa ang tahanan ni Daniel sa mga ipinagbibili nito.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"Pati pala 'yung bahay ni Daniel napapabalitang ibinibenta na. Hindi ko pinaniniwalaan 'yun. Palagay ko, may maibenta man siyang iba pa, ititra 'yung bahay."
"Pinag-ipunan ng maigi 'yan at talagang dugo, pawis at luha ang naging puhunan diyan. Kaya 'yung kotse, pasable 'yan. Ano pang bagay na ibenta ni Daniel, pasable pa rin 'yan. Pero 'yung bahay siguro at 'yung kinatitirikan, lote at bahay, palagay ko hindi naman ibibenta.

Narito ang kabuuan ng kanilang talakayan mula sa Showbiz Now Na! YouTube channel:

Si Daniel Padilla ay isang aktor at modelo sa Pilipinas. Anak siya ni Karla Estrada at aktor na si Rommel Padilla. Mas naging matunog ang pangalan ni Daniel nang pumatok sa publiko ang love team nila ni Kathryn Bernardo na kanyang naging totoong kasintahan sa loob ng 11 na taon.

Read also

Bagong pag-ibig ni Andrew Schimmer, ka-birthday ng yumaong partner

At noong Nobyembre 30 ng nakaraang taong 2023, halos sabay na kinumpirma nina Kathryn at Daniel ang kanilang paghihiwalay na matagal nang naging bali-balita bago pa man ipalabas ang pelikula ni Kathryn na A Very Good Girl. Sa pamamagitan ng kani-kanilang post, naglahad ng saloobin ang dalawa upang ipaunawa lalo na sa kanilang mga fans ang parehong desiyon na mayroon pa rin umanong respeto at pagmamahal.

Sa naunang episode ng Showbiz Now Na! ni Cristy Fermin, naibahagi nito ang nabalitaang lagi 'di umanong lasing si Daniel Padilla. Doon umano humuhugot ng lakas si Daniel sa pagbabakasakaling magkakabalikan pa sila ni Kathryn.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica