Mensahe ni Ai-Ai kay Gerald: "I wish you all the happiness na hinahanap mo”

Mensahe ni Ai-Ai kay Gerald: "I wish you all the happiness na hinahanap mo”

- Nagbigay si Ai Ai Delas Alas ng mensahe para sa ex-husband na si Gerald Sibayan matapos kumpirmahin ang kanilang diborsyo sa "Fast Talk with Boy Abunda"

- Nais ni Ai Ai na makamit ni Gerald ang kaligayahan at magkaroon ng malusog na anak na matagal na nitong hinihiling

- Inamin ni Ai Ai na naging mabuting asawa si Gerald sa loob ng sampung taon nilang pagsasama ngunit nasa proseso pa siya ng pagtanggap sa kanilang hiwalayan

- Matatandaang sinabi ni Ai Ai na minsan siyang pinagtaksilan ni Gerald noong 2019 na naging sanhi ng kanyang trust issues

Sa pinakabagong episode ng "Fast Talk with Boy Abunda" noong Lunes, Nobyembre 11, naging emosyonal si Ai Ai Delas Alas habang nagbigay ng mensahe para sa kanyang dating asawa na si Gerald Sibayan matapos nitong kumpirmahin ang kanilang diborsyo. Ayon kay Ai Ai, nais lamang niya ang kaligayahan at kabutihan ni Gerald.

Read also

Joey Benin, nagsalita sa pagbawal nya kay Joey Generoso na kantahin ang Forevermore

Mensahe ni Ai-Ai kay Gerald: "I wish you all the happiness na hinahanap mo”
Mensahe ni Ai-Ai kay Gerald: "I wish you all the happiness na hinahanap mo” (Fast Talk with Boy Abunda/GMA Network | YouTube & Aiai Delas Alas | Facebook)
Source: Facebook

"I hope na kung hindi ko man naibigay ang kaligayahang hinahanap mo, sana makuha mo iyon," pahayag ni Ai Ai. Idinagdag pa niya, “At 'yung anak na matagal mo nang hinihiling, sana magkaroon ka ng malusog na anak.”

Pinapurihan pa rin ng Comedy Queen ang kanyang dating asawa sa kabila ng kanilang hiwalayan. Aniya, “I wish you well. Dahil sa sampung taon nating magkasama, in fairness sa'yo, naging mabuting asawa ka. Siguro ganito lang talaga ang buhay.”

Nang tanungin kung tuluyan na ba niyang napatawad si Gerald, naging tapat si Ai Ai sa pagsasabing nasa proseso pa siya ng pagtanggap sa mga nangyari.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Matatandaang inamin ni Ai Ai sa isang bahagi ng panayam na minsan na siyang pinagtaksilan ni Gerald noong 2019. “So parang nagkaroon ako ng trust issues. Siguro isa iyon sa mga pagkakataong hindi ko namamalayang nahulog ako sa kanya,” ani pa ng aktres.

Sa kabila ng lahat, nag-iwan ng mensaheng puno ng pag-asa si Ai Ai, hinahangad pa rin ang kaligayahan ni Gerald kahit pa sila’y naghiwalay na ng landas.

Read also

AiAi, emosyonal nang maikwentong sinubukan nilang magkaanak ni Gerald

Si Ai-Ai delas Alas o Martina Eileen Hernandez delas Alas-Sibayan sa totoong buhay ay isang performer, comedienne at isa din siyang film actress. Sumikat ang kaniyang pelikulang Tanging Ina, na naging blockbuster hit. Ikinasal si Ai-Ai kay Gerald sa Christ the King Parish sa Greenmeadows, Quezon City noong December 12, 2017.

Pinasalamatan ni Ai-Ai delas Alas ang asawang si Gerald Sibayan sa naging sorpresa nito para sa kanya. Isang Hello Kitty makeover para sa bahay nila ang regalo niya para sa ika-pitong taon nilang dalawa bilang magkarelasyon.

Sa kanilang pagdiriwang ng ika-apat na taon bilang mag-asawa, isang pagbati ang ibinahagi ng Comedy Queen na si Ai-Ai Delas Alas. Binalikan niya ang masasayang sandali nang ikinasal sila ng kanyang nister na si Gerald Sibayan noong December 12, 2017.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate