Jeraldine Blackman, sinagot ang puna sa pagpapalaki niya sa mga anak

Jeraldine Blackman, sinagot ang puna sa pagpapalaki niya sa mga anak

  • Diretsahang sinagot ni Jeraldine Blackman ang komento ng isang netizen na pumupuna sa madalas na paglalakbay ng kanyang mga anak, kabilang ang paggamit umano nila ng first-class flights at pagkakaroon ng luxury experiences
  • Ayon kay Jeraldine, hindi lamang mamahaling destinasyon ang nakikita at nararanasan ng kanyang mga anak dahil sinisikap niyang ipakilala rin sa kanila ang mga lugar, kultura at pamumuhay na kinalakihan niya sa Pilipinas
  • Ibinahagi rin niya na sa loob ng nakaraang apat na taon ay nakapunta ang mga bata sa iba't ibang bansa at nakaranas ng sari-saring kultura, lugar at paraan ng pamumuhay na aniya ay nagbibigay sa kanila ng mas malawak na pananaw
  • Para kay Jeraldine, hindi niya pinalalaki ang mga anak na nakasentro sa luho kundi mga batang natututong pahalagahan ang mayroon sila, unawain ang pagkakaiba-iba ng buhay ng mga tao at mag-ipon ng mga karanasang dadalhin nila hanggang paglaki

Hindi pinalampas ni Jeraldine Blackman ang isang komento tungkol sa paraan ng pagpapalaki niya sa kanyang mga anak, partikular sa madalas nilang paglalakbay at mga luxury experiences.

Read also

Rosmar Tan, kinumpirmang isinailalim sa DNA test ang tatlong anak

Jeraldine Blackman, sinagot ang puna sa pagpapalaki niya sa mga anak
Jeraldine Blackman, sinagot ang puna sa pagpapalaki niya sa mga anak (📷Jeraldine Jeronimo and Jorjette/Facebook)
Source: Instagram

Sa isang Facebook post, ibinahagi ni Jeraldine ang nakita niyang komento mula sa isa sa mga pumupuna sa kanya at sa kanyang mga anak. Ayon sa komento, nasisira umano ang childhood ng mga bata dahil sa madalas na travel, first-class flights at marangyang karanasan.

May sagot si Jeraldine sa naturang puna.

“I saw this comment on one of the “other side’s” posts about me and my kids, saying that I’m spoiling them with all the travel, FIRST CLASS flights and luxury experiences, and that I’m apparently ruining their childhood. LOL.”

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Para kay Jeraldine, hindi lamang tungkol sa luho ang paglalakbay. Binanggit niya na sa nakalipas na apat na taon ay nakapunta ang kanyang mga anak sa maraming bansa at nakaranas ng iba't ibang kultura, lugar at paraan ng pamumuhay.

“The last four years, these kids have been to SO many different countries and experienced so many different cultures, places and ways of life. Do you really think travelling doesn’t teach children anything?”

Read also

Kim Chiu, nilinaw na ang legal complaint ay sumasaklaw lang mula Enero hanggang Hulyo 2025

Nilinaw din niya na hindi lahat ng kanilang biyahe ay tungkol sa luxury destinations.

Ayon kay Jeraldine, bahagi ng kanilang mga pagpunta sa Pilipinas ang pagpapakita sa mga anak ng mundong kanyang kinalakihan. Sinabi niyang dinadala niya ang mga bata sa mga lugar kung saan siya lumaki at maging sa mga paaralang kanyang pinasukan.

“If you’re a real follower, you’ll know that when we go back to the Philippines, where I grew up, I make sure my kids experience the life I came from too.”

Ibinahagi rin niya na nakikita ng kanyang mga anak ang kultura, pagkain at mga komunidad sa Pilipinas, na aniya ay ibang-iba sa nakasanayan nila sa Australia.

“They’ve been to the places I grew up. They’ve seen the schools I went to. They’ve experienced the culture, the food, the communities and a completely different way of life from what they’re used to here in Australia.”

Bukod dito, itinanggi ni Jeraldine ang ideya na tinuturuan niyang gumastos nang gumastos ang kanyang mga anak.

Read also

Video ng emosyonal na pahayag ni Kim Chiu sa ‘Magandang Buhay’, muling binalikan ng netizens

“You think I tell my kids to spend money every day? Absolutely not.”

Ipinaliwanag din niya na limitado lamang ang nakikita ng publiko sa kanilang buhay dahil sa social media. Aniya, mas napapansin online ang luxury destinations, habang hindi nakikita ang lahat ng iba pang karanasan at aral na kasama ng kanilang mga biyahe.

“What you see online is a tiny snapshot of our lives. You see the luxury destinations because that’s what catches people’s attention. You don’t see ALL the other experiences, lessons and moments we have when we travel.”

Para kay Jeraldine, mahalaga sa pagpapalaki sa kanyang mga anak ang pagkakaroon nila ng pagkakataong makita kung gaano kalawak ang mundo at makilala ang mga taong may iba't ibang pinagmulan at paraan ng pamumuhay.

“I’m not raising kids who think the world revolves around luxury. I’m raising kids who get to see how BIG the world is, experience different cultures, appreciate what they have and understand that not everyone grows up the same way they do.”

Read also

Kim Chiu, nagsalita matapos ang arraignment ng kapatid na si Lakam

Sa huli, mariing sinabi ni Jeraldine na hindi niya nakikitang nasisira ang childhood ng kanyang mga anak dahil sa kanilang mga karanasan sa paglalakbay.

“So no, I don’t believe I’m “ruining their childhood.” If anything, I’m giving them a childhood full of experiences, memories, culture, perspective and stories they’ll carry with them for the rest of their lives.”

Hindi na bago para kay Jeraldine ang pagbabahagi sa social media ng ilang bahagi ng kanyang buhay at mga karanasan ng kanyang pamilya. Gayunman, sa kanyang pinakahuling post, binigyang-diin niya na hindi lahat ng nangyayari sa kanilang buhay ay nakikita online.

Dahil dito, iginiit niya na mas malawak ang karanasan ng kanyang mga anak kaysa sa mga larawang nakikita lamang ng publiko sa kanilang mga social media account.

Samantala, dati na ring naging tampok sa mga ulat tungkol kay Jeraldine ang kanyang mga naging karanasan sa kalusugan. Noong nakaraan, ibinahagi niya ang tungkol sa mga side effect na kanyang naranasan matapos uminom ng bagong gamot para sa puso.

Read also

Rosmar Tan, naglabas ng matapang na pahayag ukol sa mga akusasyon

Nauna rin siyang naospital matapos matuklasan ang pre-cancer cells, bagay na ibinahagi rin niya sa kanyang followers.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate