Sofia Andres, sinagot ang netizen na nagsabing palaisipan kung bakit di pa rin sya pinapakasalan

Sofia Andres, sinagot ang netizen na nagsabing palaisipan kung bakit di pa rin sya pinapakasalan

- Sinagot ni Sofia Andres ang isang netizen na nagtaka kung bakit hindi pa siya pinapakasalan ni Daniel Miranda

- Nagpasalamat si Sofia sa netizen sa pag-iisip ng bagay na iyon at nagbigay ng kalmadong tugon

- Ipinaliwanag ni Sofia na hindi konektado sa karanasan ng kanilang mga magulang ang kanilang desisyon tungkol sa pagpapakasal

- Nais munang palakasin nina Sofia at Daniel ang pundasyon ng kanilang relasyon bago pumasok sa kasal

Hindi pinalampas ni Sofia Andres ang isang netizen na nagkomento sa kanyang Instagram post, kung saan ibinahagi niya ang ilang larawan nila ng kanyang longtime partner na si Daniel Miranda. Sa nasabing komento, tinanong ng netizen kung bakit hindi pa sila nag-aasawa, na para bang palaisipan sa kanya ang bagay na ito.

Sofia Andres, sinagot ang netizen na nagsabing palaisipan kung bakit di pa rin sya pinapakasalan
Sofia Andres, sinagot ang netizen na nagsabing palaisipan kung bakit di pa rin sya pinapakasalan
Source: Instagram

Hindi naman nagpatumpik-tumpik si Sofia sa kanyang sagot. Aniya, pinasasalamatan pa raw niya ang netizen dahil ito ang nakaisip ng naturang bagay, na sinamahan niya ng ngiting emoji, na nagpapakita ng kanyang pagiging kalmado at positibong pananaw ukol sa kanilang sitwasyon.

Read also

Sofia Andres, nagbahagi ng mensahe tungkol sa pagmamahal

Matatandaang sa isang panayam kay Karen Davila, ipinaliwanag ni Sofia ang pananaw nila ni Daniel tungkol sa pagpapakasal. Ayon sa kanya, ang desisyon nilang hindi pa magpakasal ay hindi konektado sa naging karanasan ng kanilang mga magulang sa pag-ibig at pamilya, sa kabila ng sabi-sabing maaaring ma-trauma ang mga babaeng nakakita ng hindi magandang relasyon ng kanilang mga magulang. Dagdag niya, tanging ang tamang panahon mula sa Diyos ang kanilang hinihintay para sa mas seryosong hakbang na ito.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Sofia Andres, sinagot ang netizen na nagsabing palaisipan kung bakit di pa rin sya pinapakasalan
Sofia Andres, sinagot ang netizen na nagsabing palaisipan kung bakit di pa rin sya pinapakasalan
Source: Instagram

Sinabi rin ni Sofia na para sa kanila ni Daniel, hindi batayan ang pagiging kasal para sa pag-alam kung para nga sila sa isa’t isa, lalo pa’t maraming may asawa ang nagkakahiwalay, samantalang may mga hindi kasal na nagtatagal. Iginiit pa niya na naniniwala silang darating ang tamang panahon na itinakda ng Diyos para sa kanila.

Read also

Ellen Adarna, ibinida ang paghuhugas ni Elias ng milk bottle ng kanyang kapatid

Parehong lumaki sina Sofia at Daniel sa mga pamilyang hindi kumpleto, kaya naman naiintindihan nila ang kahalagahan ng pagiging handa bago magpakasal. Mas pinahahalagahan nila ang pagbuo ng matatag na pundasyon ng kanilang relasyon sa pamamagitan ng paggalang sa isa’t isa. Para sa kanilang dalawa, habang natural na dumarating ang pagmamahal, ang respeto sa isa't isa ay isang aspeto na nangangailangan ng panahon at paglinang.

Si Sofia Andres ay isang aktres at commercial model. Nakilala siya sa kanyang pagganap sa mga palabas kagaya ng She's Dating the Gangster, Relaks, It's Just Pag-Ibig, Forevermore, Pusong Ligaw at Bagani.

Sa pagdiriwang ng ika-3 kaarawan ng anak nina Sofia at Daniel na si Zoe ng Nobyembre at isang birthday party ang kanilang inihanda. Ginanap nila ang party sa Palazzo Verde.

Matapos mag-post ni Daniel Miranda ng picture nila ng anak na si Zoe Miranda kalakip ng kanyang pagbati, marami ang nagkomento at nagtanong kung bakit hindi nila kasama si Sofia. Kasunod nito ay nag-post din si Sofia ng Christmas photo nilang dalawa ni Zoe at hindi din nila kasama si Daniel.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate