Maris Racal, nagsalita tungkol sa twinning nila ng sapatos ni Anthony Jennings
- Sa unang pagkakataon ay nagsalita si Maris Racal tungkol sa nag-viral na picture kung saan kasama niya si Anthony Jennings
- Makikita sa naturang picture na magkaparehas ang suot nilang sapatos ni Anthony
- Sa panayam na binahagi ni MJ Marfori, nilinaw ni Maris na nagkataon lang daw na parehos sila ng naisuot na sapatos at matagal na raw siyang may ganoong sapatos
- Anikya, natawa na lamang sila sa isyung naglabasan nang kumalat ang pictures na ito
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Sa unang pagkakataon, nagsalita si Maris Racal tungkol sa nag-viral na larawan kung saan kapansin-pansin ang magkaparehas nilang sapatos ng aktor na si Anthony Jennings. Agad na naging usap-usapan sa social media ang litrato, na nagdulot ng samu't saring haka-haka mula sa mga netizens.
Sa isang panayam na ibinahagi ni MJ Marfori, nilinaw ni Maris na nagkataon lamang ang kanilang pagsusuot ng parehong sapatos ni Anthony. Ayon sa aktres, matagal na umano siyang may ganoong uri ng sapatos at wala silang planong mag-"twinning." Aniya, natawa na lamang sila ni Anthony sa mga isyung lumabas nang kumalat ang larawan.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Nilinaw din ni Maris na walang espesyal na kahulugan ang kanilang “twinning” sapatos at simpleng coincidence lamang ito. Ipinakita niya ang kanyang pagiging kalmado sa gitna ng isyu, at mas pinili niyang gawing positibo ang reaksiyon sa viral na larawan.
Si Mariestella "Maris" Cañedo Racal ay isang 23 anyos na Pinay actress, singer-songwriter, host, vlogger at endorser. Una siyang sumikat noong 2014 matapos niyang sumali sa Pinoy Big Brother: All In. Lumaki siya sa pamilyang mahilig sa musika at natutong tumugtog ng gitara sa murang edad.
Napakomento si Maris sa mga larawang kuha ng isang fan na nanood ng Summer MMFF 2023 Parade of Stars. Makikitang blurred lahat ng kuha ng fan sa mga artistang nakasama niya sa picture. Bukod kay Maris, malabo rin ang kuha ng fan na nakasama sa larawan sina Enchong Dee at Kylie Padilla. Kaya naman hiling ni Maris na makita muli ito upang maayos silang makakuha ng picture.
Samantala, marami ang kinilig sa birthday greeting ni Rico Blanco kay Maris. Nagdiriwang ng kaarawan si Maris noong Setyembre 22. Sa kanya namang socmed, nagbahagi si Maris ng ilan sa kanyang mga larawan. Taong 2021 nang aminin ni Maris sa "Magandang Buhay" na bago pa man ang pandemic ay may relasyon na sila ni Rico.
Source: KAMI.com.gh