Ray Parks Jr., game na game na maging "Maui" para sa bunsong anak ni Zeinab
- Kinagiliwan ng marami ang Halloween costumes ni Bobby Ray Parks Jr. at bunsong anak ni Zeinab na si Bia
- Sila ay naging sina Moana at Maui na labis na ikinamangha ng marami
- Kuhang-kuha umano ng mag-ama ang "Moana" vibes kaya naman marami ang pumuso sa kanilang mga larawan
- Matatandaang madalas masabi ni "Daddy Ray" kung gaano kalapit sa puso niya ang mga anak ni Zeinab na sina Lucas at Bia
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Gumulantang sa publiko ang nakakatuwang pictures nina Ray Parks Jr. at bunsong anak ni Zeinab Harake na si Bia.
Una nang lumabas ang larawan ni Bia na nag-ala Moana para sa Halloween. Labis na itong kinagiliwan ng marami.
At nang ilabas na rin nila ang Moana photos ni Bia na kasama ang kanyang "Daddy Ray," mas marami ang natuwa sa kanilang dalawa.
Narito ang komento ng ilang netizens:
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
"Omg! Little Zeinab with her daddy Ray"
"Patunay na love talaga ni Daddy Ray ang kanilang Baby Bia"
"So cute! Kuhang-kuha nila ang Moana vibes."
"Galing ng nakaisip ng concept na ito. Bagay na bagay sa kanila!"
"So adorable Bia! Moana with Maui talaga!"
Samantala, sa hiwalay na post, makikitang ang magkasama naman sa photo shoot ay sina Zeinab Harake at ang kanyang kuya Lucas.
Si Bobby Ray Parks Jr. ay isang basketball player na fiancé ni Zeinab Harake. Si Zeinab ay isa sa mga kilalang YouTuber content creators sa bansa na mayroon nang 14.4 million subscribers sa kanyang channel. Isa sa malaking break ni Zeinab noong taong 2023 ay ang pagkakaroon ng pelikulang kalahok sa Metro Manila Film Festival. Ito ay ang "Kampon" na pinagbibidahan ni Derek Ramsay at Beauty Gonzales.
Samantala, patuloy na kinagigiliwan ang mga vlogs ni Zeinab lalo na kung kasama niya ang kanyang mga anak na sina Lucas at Bia. Gayundin ang kanyang boyfriend na si Ray Parks Jr. na hayagang ipinakikita kung gaano kahalaga si Zeinab at mga anak nito sa kanya.
Matatandaang sa isang vlog ni Zeinab, minsan na nilang naging biruan ni Bobby Ray Parks Jr. na tinatawag din nilang 'Daddy Ray' ang pagpapakasal. Umagaw din ng atensyon ang umano'y pagtawag ni Ray kay Zeinab na "asawa ko." Maging ang kulitan nila sa pagsasabing "i-announce na natin." Nabanggit din ni Zeinab ang mga katagang 'ready ka na ba sa prenup?' at maging ang tungkol umano sa 'wedding song.' Sa ngayon, engaged na sina Zeinab at Ray Parks Jr.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh