Claudine Barretto, nagpasalamat kay Boy2 Quizon: "Blood isn't thicker than water"

Claudine Barretto, nagpasalamat kay Boy2 Quizon: "Blood isn't thicker than water"

- Nagpasalamat si Claudine Barretto kay Boy2 Quizon matapos siyang damayan sa panahon ng matinding kalungkutan sa ika-limang anibersaryo ng pagpanaw ng kanyang ama

- Inihayag ni Claudine na halos apat na oras lamang siya natutulog bawat araw at dumaan sa mabigat na emosyon

- Nagbigay ng sleeping pills ang kanyang doktor upang makatulong sa kanyang pahinga ngunit dumalaw pa rin si Boy2 upang alamin ang kanyang kalagayan

- Tinuring ni Claudine na kapamilya si Boy2 hindi man sa dugo ngunit dahil sa kanilang malapit na samahan

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Nagpasalamat ang aktres na si Claudine Barretto sa kanyang "baby brother" na si Boy2 Quizon matapos siyang damayan sa isang panahon ng matinding kalungkutan. Ayon kay Claudine, napakahirap ng mga nakaraang linggo para sa kanya, lalo na't ika-limang anibersaryo ng pagpanaw ng kanyang ama ang nagdaang araw.

Read also

CEO ng skin care products sa umano'y mga mastermind: "Nakilamay pa kayo!"

Claudine Barretto, nagpasalamat kay Boy2 Quizon: "Blood isn't thicker than water"
Claudine Barretto, nagpasalamat kay Boy2 Quizon: "Blood isn't thicker than water"
Source: Instagram

Inihayag ni Claudine na halos walang tulog siya nitong mga araw na ito at dumaan sa mabigat na emosyon. Dahil dito, nagbigay ang kanyang doktor ng mga sleeping pills upang makatulong sa kanyang pagpapahinga. Gayunpaman, isang hindi inaasahang pagdalaw mula kay Boy2 Quizon ang nagbigay-kagaanan sa kanyang nararamdaman.

Kuwento pa ni Claudine, dumalaw si Boy2 upang magbigay lamang ng simpleng halik, kahit pa pinakiusapan na ng kanyang Ate Sol na iwasan muna ang mga bisita upang makapagpahinga siya. Malaking pasasalamat ni Claudine sa suporta at pagmamalasakit ni Boy2, na tinuring niyang kapamilya hindi man sa dugo kundi sa kanilang malapit na samahan.

Si Claudine Barretto ay nakilalang at nagsimula sa kanyang karera bilang isang child actress. Sumikat siya sa kanyang mga pagganap sa iba't ibang pelikula at palabas sa telebisyon. Ilan sa kanyang mga pinakatanyag na proyekto ay kasama ang "Mula sa Puso," "Sa Dulo ng Walang Hanggan," at "Milan.

Read also

Isa sa dalawang bata na na-trap sa abandonadong sasakyan, sinabing tubig-ulan ang kanilang ininom

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Matatandaang isang love letter ang ibinahagi ni Claudine sa kanyang Instagram account. Marami sa mga fans ng tambalan nila ni Rico Yan ang kinilig sa love letter na ito ng yumaong aktor. Hindi man sila nagkatuluyan dahil sa pagpanaw ng matinee idol, nanatili ang pagsuporta ng mga fans ng kanilang tambalan. Nauna nang nakapagbahagi si Claudine ng iba pang love letters ng aktor para sa kanya.

Naibahagi naman nina Cristy Fermin ang tungkol sa pag-usad ng annulment nina Raymart Santiago at Claudine. Sinasabing si Raymart na rin umano ang nag-file ng annulment ng kasal nila ni Claudine. Ang nakikita umanong dahilan nina Cristy ay ang pagnanais di umano ni Raymart na pakasalan si Jodi Sta. Maria. Hindi man ganoon kaingay sa social media ngunit minsan nang naisapubliko ang pagkakaroon ng relasyon ng dalawa.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate