Jake Ejercito, nagbahagi ng entry sa kanyang #JEllieConvos

Jake Ejercito, nagbahagi ng entry sa kanyang #JEllieConvos

- Kinaaliwan ang binahaging screenshot ni Jake Ejercito kung saan pinakita nya ang maikling palitan nila ng mensahe ng anak na si Ellie Ejercito

- Makikita sa naturang screenshot na sinabi ni Jake na pauwi na rin siya matapos ang isang linggo

- Ani Jake, inabot ng mahigit isang oras bago sumagot si Ellie sa kanyang mensahe ngunitang sagot lang dw nito sa kanya ay 'ya'

- Madalas na binabahagi ni Jake ang screenshot ng chat nila ni Ellie na tinatawag niyang #JEllieConvos

Muling kinaaliwan ng netizens ang bagong post ni Jake Ejercito kung saan ibinahagi niya ang isang screenshot ng kanilang maikling palitan ng mensahe ng kanyang anak na si Ellie Ejercito. Sa nasabing screenshot, makikita na sinabi ni Jake kay Ellie na pauwi na rin siya matapos ang isang linggo.

Jake Ejercito, nagbahagi ng entry sa kanyang #JEllieConvos
Jake Ejercito, nagbahagi ng entry sa kanyang #JEllieConvos
Source: Instagram

Ayon kay Jake, inabot ng mahigit isang oras bago sumagot si Ellie sa kanyang mensahe, ngunit ang tanging sagot nito ay simpleng "ya." Bagamat maikli ang tugon ni Ellie, naging patok ito sa mga netizens dahil sa pagiging relatable ng sitwasyon.

Read also

Heart Evangelista, ibinida ang video na kuha niya sa Milan runway show: "Video by yours truly"

Madalas ibahagi ni Jake ang mga ganitong palitan nila ng mensahe ni Ellie sa social media, na tinawag na niya ngayong #JEllieConvos. Naging paborito ito ng kanilang mga tagasubaybay dahil sa natural at nakakaaliw na dynamics ng mag-ama.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Narito ang ilang reaksiyon ng netizens:

At least po ngreply , sa akin nga anak ko SIne-seen lang chats ko
Sakin nga po halos isang buong papel ung mssge ko ang reply saken K .🤣
Ikaw na raw mag adjust kung ano talaga yun

Si Juan Emilio Ejercito o mas kilala sa screen name niya bilang si Jake Ejercito ay anak ni dating pangulong Joseph Estrada at ni Laarni Enriquez. Siya ang ama ng panganay na anak ni Andi Eigenmann na si Ellie Ejercito. Naging bahagi siya ng ilang mga serye kagaya ng Marry Me Marry You. Ilan sa mga pelikulang kanyang nagawa ay Coming Home (2020), Pamilya (2018) at Mansyon (2017.)

Read also

Doc Willie Ong, nagbahagi ng picture matapos ang kanyang 1st round of chemo

Matatandaang binida ni Jake ang pag-uusap nila ng anak niyang si Ellie Ejercito. Sa kanyang post ay makikita ang nakakaaliw na pag-uusap nilang mag-ama kung saan ilang beses nilang nabanggit ang salitang 'haynaku'. Kaya naman, sa caption ng #JEllieConvos na ito ay nakalagay ang 'unli haynaku' - Muling kinaaliwan ang post na ito ni Jake na umani ng mga komento mula sa mga netizens.

Samantala, sinagot ni Jake ang isang netizen na nagkomento sa isang post ng GMA News patungkol sa kanya. Sa komento ng netizen na ito, sinabi niyang tahimik lang si Jake noong panahong binabatikos si Albie Casiño dahil siya ang sinasabing ama ng pinagbubuntis ni Andi Eigenmann. Sagot naman ni Jake, ang netizen na ito ay nagkokomento nang hindi inaalam ang katotohanan sa pangyayari at mali-mali pa ang spelling. Matatandaang naunang inakala ng publiko na si Albie ang ama ng anak ni Andi na kinalaunan ay napag-alamang anak ni Jake.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate