Careless PH, kinumpirma ang nababalitang wala na sa kanila si Liza Soberano

Careless PH, kinumpirma ang nababalitang wala na sa kanila si Liza Soberano

- Kinumpirma ng Careless PH na wala na sa kanila si Liza Soberano

- Ito ay matapos na umugong ang balitang ito dahil sa pag-unfollow umano ng aktres sa naturang management

- Matatandaang ang Careless ang nag-manage kay Liza matapos ang kontrata nito kay Ogie Diaz

- Kamakailan, nnaihayag ni Ogie D na nanghihinayang umano siya sa career ni Liza sa Pilipinas na sana'y pinagpatuloy ng aktres kasabay ng pagtupad ng kanyang pangarap sa international scene

Kinumpirma na ng Careless PH na hindi na nila umano hawak ang aktres na si Liza Soberano.

Careless PH, kinumpirma ang nababalitang wala na sa kanila si Liza Soberano
Careless PH, kinumpirma ang nababalitang wala na sa kanila si Liza Soberano (@lizasoberano)
Source: Instagram

Sa kanilang mga social media page, inihayag ng Careless na noong July 29,2023 pa natapos umano ang kontrata ng aktres sa kanila.

Matatandaang umugong kamakailan ang balitang wala na nga umano si Liza sa naturang sa talent management agency ni James Reid.

Ang Careless PH ang siyang sumunod na humawak sa career ni Liza matapos ang kontrata nito sa dating manager na si Ogie Diaz.

Read also

Sandro Muhlach, nakahanap nang personal sina Nones at Cruz sa DOJ

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Ito rin ang mga unang naging kaagapay ni Liza sa pagtupad ng kanya umanong pangarap na makilala sa international scene.

Isa sa mga naging proyekto niya ay ang American film na Lisa Frankenstein kung saan nakasama niya sina Cole Sprouse at Kathryn Newton.

Samantala, narito ang naging pahayag ng CarelessPh na kanilang naibahagi sa kanilang Instagram story ngayong September 14:

Careless PH, kinumpirma ang nababalitang wala na sa kanila si Liza Soberano
Careless PH, kinumpirma ang nababalitang wala na sa kanila si Liza Soberano (@carelessph)
Source: Instagram

Si Liza Soberano ay isang Filipina model at actress na sumusubok ngayon ng kapalaran niya sa Amerika partikular na sa Hollywood. Sampung taon din namayagpag ang kanyang career sa Pilipinas kung saan naging ka-love team niya ang kanyang boyfriend na si Enrique Gil.

Nang matapos ang kontrata sa dating manager na si Ogie Diaz, naging kontrobersyal ang pagpasok sa bagong yugto ng kanyang showbiz career nang ilabas niya ang kanyang 'This is me' vlog na naglalaman ng mga rebelasyon. Sinundan pa ito ng kabi-kabilang interviews na lalong nagpaigting sa mga bagay-bagay na umano'y naisiwalat ni Liza.

Read also

Lovi Poe, napa-'sana all' sa binahaging picture ni Toni Fowler

Kamakailan, napabalitang wala na umano sa pangangalaga sa Careless management si Liza. Ito ay matapos mapansin ng netizens na hindi na umano naka-follow si Liza sa Careless management maging kay James Reid na umano'y naging manager niya rito.

Sinundan naman ito ng naging pahayag ni Ogie Diaz, na dating talent manager ni Liza kung saan nasabi nitong nanghihinayang umano siya sa naiwang career ng dating alaga sa Pilipinas. Sana'y itinuloy pa rin niya ito habang patuloy na sumusubok sa Hollywood.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica