Sarina Hilario, kinagiliwan habang sumasabay sa paborito niyang kanta

Sarina Hilario, kinagiliwan habang sumasabay sa paborito niyang kanta

- Kinagigiliwan ngayon ang cute na video ni Sarina Hilario na nakunang nakiki-sing along sa paborito niyang kanta

- Dahil dito, mismong ang artist ng awitin ay ibinahagi ang video na ito ni Sarina

- Kinumpirma naman ng kanyang ama na si Jhong Hilarion na gustong-gusto nga talaga ni Sarina ang naturang awitin

- Kaya naman makikita rin sa video walang pagsidlan ng kasiyahan si Baby Sari nang mapanood at mapakinggan ito ng live

Muli na namang naging agaw-atensyon sa social media si Sarina Hilario matapos mag-viral ng kanyang video habang nakiki-sing along sa live band. Ang tinutukoy na awit ay ang "Sining" na orihinal na isinulat at tinangkilik ng artist na si Dionela.

Sarina, kinagiliwan nang makitang feel na feel ang pagsabay sa paborito niyang kanta
Sarina, kinagiliwan nang makitang feel na feel ang pagsabay sa paborito niyang kanta (Jhong Hilario)
Source: Facebook

Ang video, na kuha sa isang event sa kanilang barangay makikita si Sarina na masigasig na umaawit ng "Sining" at masiglang nakikisabay original artist nito. Makikitang namumutawi ang kasiyahan sa mukha ni Sarina habang siya’y umaawit

Read also

Sarina Hilario, kinaaliwan sa kanyang pagsayaw ng 'Maybe This Time'

Ang eksenang ito ay hindi lamang nagpamalas ng talento ni Sarina kundi nagbigay din ng kasiyahan sa mga tagahanga ng kanta. Ibinahagi ni Dionela ang cute na video, na ipinahayag ang kanyang tuwa sa pagkamagiliw ni Sarina sa kanyang kanta.

Mula sa pahayag ng kanyang ama na si Jhong Hilario, nakumpirma na ang awitin ng Dionela ay isa sa mga gusto ni Sarina. "Paborito talaga niya yan," ani Jhong sa caption ng ibinahing video ni Sarina.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Si Sarina Oceanía Azores Hilario ay anak ng It's Showtime host na si Jhong Hilario at partner nitong si Maia Azores. Agaw-pansin ang mga father and daughter videos nina Jhong at Sarina dahil lalo na ang kahanga-hangang pagkanta ni Sarina sa mura niyang edad.

Matatandaang naglabas na ng music video si Sarina sa awitin ni Frank Sinatra ang 'Fly me to the moon.' Bukod sa awiting ito, madalas din niyang kantahin ang "Moon River" at marami pang iba. Malimit na magbahagi si Jhong ng video ng kanyang anak na talaga namang kinaaliwan ng netizens dahil sa pagiging biba nito.

Nang magdiwang ng kanyang 3rd birthday si Sarina, pinili nilang ibahagi ang kanyang mga biyayang natatanggap sa mga batang ulila na nasa pangangalaga ng isang orphanage sa San Juan. Makikita ang saya ni Sarina sa pagbibigay saya rin sa mga batang nakasama niya sa kanyang espesyal na araw. Matatandaang kamakailan, kinagiliwan din ng marami ang video ni Sarina sa meet and greet niya sa paborito niyang grupo, ang BINI.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica