Sarina Hilario, nakipagsabayan ng kantahan sa meet and greet niya with BINI

Sarina Hilario, nakipagsabayan ng kantahan sa meet and greet niya with BINI

- Nakasama na ni Sarina Hilario ang iniidolo niyang grupo, ang BINI

- Nasurpresa at tila hindi makapaniwala si Sari na kasama na niya ang mga iniidolo

- Matatandaang ilang videos na niya ang nagpapakita kung gaano nito nagustuhan ang mga awitin at sayaw ng grupo

- Kamakailan lang, ibinahagi ng kanyang amang si Jhong Hilario ang reaction video ni Sari sa video greeting ng Bini sa kanya

Marami ang natuwa sa pagkikita nina Sarina Hilario at ng grupong BINI na iniidolo niya.

Sarina Hilario, nakipagsabayan ng kantahan sa meet and greet niya with BINI
Sarina Hilario (Sarina Oceanía Azores Hilario)
Source: Facebook

Sa TikTok video na naibahagi ni Direk Lauren Dyogi, makikitang nasurpresa talaga si Sari at tila hindi makapaniwalang kasama na niya ang BINI.

Isa-isang nagpakilala ang miyembro ng grupo kay Sari at nang tanungin siya ng mga ito kung ano ang kanyang pangalan, BINI Sari ang naisagot nito.

Namangha rin ang members ng BINI kay Sari dahil nakakasabay ito sa kanilang awitin.

Read also

Carlo Aquino, nagbahagi ng nakakaintrigang post na isang Japanese phrase

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Matatandaang kamakailan lamang, walang pagsidlan ng kasiyahan si Sari nang ipakita ng kanyang ama na si Jhong Hilario ang video greet sa kanya ng BINI.

Narito ang kabuuan ng masayang pagkikita nila:

Si Sarina Oceanía Azores Hilario ay anak ng It's Showtime host na si Jhong Hilario at partner nitong si Maia Azores. Agaw-pansin ang mga father and daughter videos nina Jhong at Sarina dahil lalo na ang kahanga-hangang pagkanta ni Sarina sa mura niyang edad.

Matatandaang naglabas na ng music video si Sarina sa awitin ni Frank Sinatra ang 'Fly me to the moon.' Bukod sa awiting ito, madalas din niyang kantahin ang "Moon River" at marami pang iba. Malimit na magbahagi si Jhong ng video ng kanyang anak na talaga namang kinaaliwan ng netizens dahil sa pagiging biba nito. Mapa-unboxing videos nito o maging ang kahanga-hangang pagkain niya ng healthy foods.

Read also

Diwata, nakipagsabayan sa ilang kilalang artista sa sagala sa Malabon

Kamakailan, muling kinagiliwan ng marami ang kanyang video sa kanyang version ng Salamin, Salamin ng grupong BINI. Sing and dance ang ginawa ni Sari at talagang nasasabayan niya ang kanta ng naturang awitin. Katunayan, nagpakilala pa umano siya bilang si BINI Sari. Dahil dito, sinasabi ng netizens na siya na ang ikasiyam na miyembro ng sikat na PPop group ngayon.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica

Online view pixel