Sarina Hilario, muling kinagiliwan sa kanyang 'Salamin, salamin' video

Sarina Hilario, muling kinagiliwan sa kanyang 'Salamin, salamin' video

- Muling nagbigay saya si Sarina sa kanyang pinakabagong video

- Sing and dance ang kanyang ipinamalas sa tugtugin ng BINI na 'Salamin, salamin'

- Nakatutuwang nakasasabay si Sari sa sikat ngayong awitin ni BINI

- Tinawag pa niya ang sarili na 'BINI Sari' sa umpisa pa lamang ng video

Mabilis na nag-viral ang pinakabagong video ni Sarina Hilario kung saan game na game siyang sumayaw at kumanta ng 'Salamin, salamin' ng BINI.

Sarina, muling kinagiliwan sa kanyang 'Salamin,salamin' video
Sarina, muling kinagiliwan sa kanyang 'Salamin,salamin' video (Sarina Oceanía Azores Hilario FB)
Source: Facebook

"Hi guys, I'm BINI Sari!" ang kanyang panimula sa video. "We are going to pretend to dance and sing," dagdag pa niya.

Kapansin-pansing nakasasabay siya hindi lamang sa sayaw kundi sa pagkanta nito.

Sa caption ng naturang video, nasabing favorite BINI song ito ni Sari.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Read also

MTRCB Chairperson Lala Sotto, nagsalita na sa issue nina Vice Ganda, Axel, at Christine

Marami ang muli na namang naaliw sa video ni Sari na umano agad ng nasa 36,000 na mga positibong reaction at umabot na ito ng mahigit 425,000 views sa loob lamang ng ilang oras.

Narito ang ilan sa mga komento ng netizens:

"Very adorable si BINI Sari. May bago na silang member"
"You are so talented. Nakakawala ng stress ang videos mo Sari"
"I'm a fan! Blooms ka rin ba baby Sari, este Bini Sari?"
"Gifted and smart. We love you Sari. More videos po"

Samantala, narito ang kabuuan ng kanyang video:

Si Sarina Oceanía Azores Hilario ay anak ng It's Showtime host na si Jhong Hilario at partner nitong si Maia Azores. Agaw-pansin ang mga father and daughter videos nina Jhong at Sarina dahil lalo na ang kahanga-hangang pagkanta ni Sarina sa mura niyang edad.

Matatandaang naglabas na ng music video si Sarina sa awitin ni Frank Sinatra ang 'Fly me to the moon.' Bukod sa awiting ito, madalas din niyang kantahin ang "Moon River" at marami pang iba. Malimit na magbahagi si Jhong ng video ng kanyang anak na talaga namang kinaaliwan ng netizens dahil sa pagiging biba nito.

Read also

Xian Lim, sakaling bigyan ng pagkakataong makatrabaho si Kim: "why not?"

Nang magdiwang ng kanyang 3rd birthday si Sarina, pinili nilang ibahagi ang kanyang mga biyayang natatanggap sa mga batang ulila na nasa pangangalaga ng isang orphanage sa San Juan. Makikita ang saya ni Sarina sa pagbibigay saya rin sa mga batang nakasama niya sa kanyang espesyal na araw. Matatandaang kamakailan, kinagiliwan din ng marami ang video niya ng 'Selos.'

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica