Deborah Sun, binihaging na-diagnose siyang may colon cancer

Deborah Sun, binihaging na-diagnose siyang may colon cancer

- Nabahagi ni Deborah Sun sa vlog ni Julius Babao ang tungkol sa pinagdadaanan niya sa kasalukuyan

- Napag-alaman nilang mayroon siyang colon cancer ngunit aniya ay nagpapasalamat siyang stage 2 lamang ito

- Todo-todo ang pasasalamat niya sa mga taong tumulong sa kanya sa gitna ng kanyang pinagdadaanan

- Hindi niya napigilang maiyak lalo na nang makatanggap ng tulong pinansiyal mula kay Julius

Sa isang emosyonal na panayam sa vlog ng kilalang broadcaster na si Julius Babao, nagbukas ng kanyang puso ang beteranang aktres na si Deborah Sun tungkol sa mabigat na pagsubok na kanyang kinakaharap sa kasalukuyan. Sa unang pagkakataon, isiniwalat ni Deborah ang balitang siya ay na-diagnose na may colon cancer, isang kondisyon na bumago sa takbo ng kanyang buhay.

Deborah Sun, binihaging na-diagnose siyang may colon cancer
Deborah Sun, binihaging na-diagnose siyang may colon cancer
Source: Youtube

Ayon kay Deborah, nadiskubre ng mga doktor na siya ay may colon cancer sa kanyang medical check-up. Bagama’t kinabahan siya noong una, malaking ginhawa para sa kanya nang malaman na nasa stage 2 pa lamang ang kanyang cancer.

Read also

Estudyanteng naputulan ng paa, hinangaan sa pinakitang dedikasyon para makapag-aral

Lubos din ang pasasalamat ni Deborah sa mga taong nagpaabot ng suporta at tulong sa kanya sa gitna ng kanyang laban sa sakit.

Isa sa mga hindi malilimutang sandali para kay Deborah ay ang pagkakatanggap niya ng tulong pinansiyal mula kay Julius Babao. Sa gitna ng kanilang pag-uusap, nagulat si Deborah nang ipahayag ni Julius ang kanyang intensyon na mag-abot ng tulong.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Sa kabila ng kanyang pinagdadaanan, nananatiling positibo si Deborah at patuloy na lumalaban para sa kanyang kalusugan. Pinanghahawakan niya ang pag-asa na malalampasan niya ang pagsubok na ito, at patuloy na umaasa na sa tulong ng Diyos, ng mga doktor, at ng kanyang mga mahal sa buhay, ay magtutuloy-tuloy ang kanyang paggaling.

Si Deborah Sun ay isa sa limang anak ng yumaong actor-director na si Leroy Salvador sa dating actress na si Corazon `Baby’ Porcuna. Half-sister ni Deborah ang actress na si Jobelle Salvador at pinsang buo naman nila si Maja Salvador.

Read also

Chloe San Jose, nagpost ng pictures nya na kuha sa condo ni Carlos Yulo

Matatandaang marami ang nagulantang sa muling pagkakaaresto kay Debora sa mismong condo unit ni Ara Mina na pinapatirhan niya nang libre sa mag-iina. Kinalaunan ay naglabas ng pahayag si Ara kaugnay sa pagkakahuli sa aktres sa mismong condo na libre niyang pinapagamit.

Hindi napigilang maiyak ng dating aktres na si Deborah Sun habang nagbibigay ng kanyang mensahe habang nakapanayam siya ni Aster Amoyo. Umapela siya sa mga taong may kakayahan na mabigyan siya ng trabaho kahit umano hindi na sa harap ng kamera. Handa siyang tanggapin ang anumang trabahong ibigay umano sa kanya kahit pa maging personal assistant siya.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate