Ivana, may 18M YT subscribers na; nagpakain ng 1800 sa kanyang 'debut'

Ivana, may 18M YT subscribers na; nagpakain ng 1800 sa kanyang 'debut'

- Masayang inanunsyo ni Ivana Alawi na umabot na sa 18 million ang kanyang YouTube subscribers

- Bilang pagdiriwang nito, naghanda siya ng pares para sa 1800 katao na makakapunta s akanyang selebrasyon

- Bukod dito, namahagi rin siya ng pera sa mga masusuwerteng subscribers niya na naroon

- Matatandaang kamakailan lang ay tuluyan nang nilisan ni Ivana ang Batang Quiapo

Pumalo na sa 18 million ang subscribers ni Ivana Alawi sa kanyang YouTube channel.

Ivana, may 18M YT subscribers na; nagpakain ng 1800 sa kanyang 'debut'
Ivana, may 18M YT subscribers na; nagpakain ng 1800 sa kanyang 'debut' (Ivana Alawi)
Source: Instagram

At bilang bahagi ng kanyang selebrasyon, nag-ala debutante siya na nagdiwang hindi dahil sa 18 years old na siya kundi 18 million na ang mga sumusuporta sa kanya.

Dahil dito, naisipan din ni Ivana na ibahagi ang kanyang blessing na natanggap sa pamamagitan ng pagpapakain ng nasa 1800 na katao.

Subscriber man niya o hindi, basta't pumunta sa Mr. Pares branch na nagpaunlak na maging bahagi ng selebrasyon ni Ivana ay nakakain.

Read also

Priscilla Meirelles, nabiktima ng snatcher sa loob ng isang grocery store sa BGC

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Ang kahanga-hanga pang nagawa ni Ivana, naghanda rin siya ng pares baka sakaling may mga customers na muslim na dumating.

Bukod dito, namigay din siya ng Php500 sa mga pumunta na naka-subscribe sa kanyang YouTube channel.

Labis ang pasasalamat ni Ivana sa patuloy na suporta sa kanya kaya naman patuloy din ang pagbabahagi niya ng mga biyaya.

Si Ivana Alawi ay unang nakilala nang sumali siya sa reality show na "StarStruck" sa GMA-7. Dahil sa kanyang taglay na ganda, sumikat siya sa social media pati na rin sa mundo ng vlogging. Sa kasalukuyan, umabot na sa mahigit 17.9 million ang kanyang mga YouTube subscribers.

Marami ang naaaliw sa mga vlogs ni Ivana sa kanyang channel dahil sa kulitan nila ng kanyang pamilya. Makikita rin kasi dito ang kabutihan ng puso ni Ivana na hindi lang siya sa kanyang pamilya matulungin kundi lalo na sa mga kababayan nating kapos-palad.

Read also

Angelica Poquiz Yulo, nakatanggap ng suporta mula sa netizens sa kanyang negosyo

Sa isa sa pinakabagong vlog ni Ivana, nakatulong din siya sa marami dahil sa mga bumibili sa kanya sa pagkukunwaring isang sampaguita vendor, pinapalitan niya ng x1000 ang ibinabayad sa kanya para sa sampaguita. Bukod dito, ang lahat umano ng kikitain ng naturang video ay ihahandog niyang donasyon sa Antipolo church.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica

Tags: