Peraphy contestant na si Angelito, may paglilinaw tungkol sa kanyang post

Peraphy contestant na si Angelito, may paglilinaw tungkol sa kanyang post

- Nilinaw ni Angelito na hindi ang TVJ at Eat Bulaga ang tinutukoy niya sa kanyang post

- Pinuri niya ang Eat Bulaga team dahil sa kanilang magandang pakikitungo sa kanya backstage at sa pagbibigay ng kanyang premyo

- Ipinaliwanag niya na ang post ay para sa mga tao na humusga sa kanya sa nagawa niya kay SQ Ann

- Ibinahagi ni Angelito na siya ay may seizure disorder at humingi ng pasensya sa publiko

Nagsalita na si Angelito, isang contestant ng Peraphy, upang linawin ang mga maling interpretasyon ng kanyang naging post sa social media kamakailan. Ayon sa kanya, hindi niya sinasadyang mabigyan ng maling kahulugan ang kanyang mga pahayag at mariing itinanggi na ang Eat Bulaga at ang trio na ang (TVJ) ang kanyang tinutukoy sa nasabing post.

Peraphy contestant na si Angelito, may paglilinaw tungkol sa kanyang post
Peraphy contestant na si Angelito, may paglilinaw tungkol sa kanyang post
Source: Facebook

“Sa mga netizens na nag-comment sa mga post ko, hindi po ang TVJ at Eat Bulaga ang sinasabihan ko ng walang respeto. Nagpapasalamat pa po ako sa kanila dahil inasikaso po nila ako backstage at ibinigay ng buo ang akin pong napanalunan,” paglilinaw ni Angelito. Dagdag pa niya, araw-araw daw niyang pinapanood at sinusuportahan ang Eat Bulaga.

Read also

Miss Catering, naiyak nang maikwento ang paghahakot ng hollow blocks nilang mag-ina

Ayon pa kay Angelito, ang kanyang post ay patungkol sa mga tao na humusga sa kanyang naging aksyon kay SQ Ann. Ipinaalam din niya sa publiko na siya ay may seizure disorder at matagal na itong nagme-medicate.

“FYI lang po, ako ay may seizure disorder at matagal na po akong under medicàtion. Pasensya na po kayong lahat at marami pong salamat sa mga taong nakaunawa po sa aking kalagayan,” aniya, na nagpaabot din ng pasasalamat sa mga sumuporta at umintindi sa kanyang sitwasyon.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Ang Eat Bulaga ay isang noontime show sa Pilipinas na tinaguriang pinakamatagal na variety show sa bansa. Ito ay blocktimer sa GMA network at ang TAPE Inc. ang producer nito. Sina Tito Sotto, Vic Sotto, Joey de Leon, Chiqui Hollman at Richie D'Horsie ang mga pinakanaunang hosts dito nang una itong ipalabas noong July 30, 1979.

Read also

Peraphy contestant na si Angelito, naglabas ng sama ng loob sa mga aniya'y taong walang respeto

Kabilang si Madam Kilay sa mga nagbigay-pugay sa Eat Bulaga matapos ang pagpapaalam ng TVJ ngayong araw sa TAPE,Inc. Ayon sa kanya, mula noong bata siya ay Eat Bulaga na talaga ang paborito niyang noontime show. Aniya, malaking karangalan para sa kanya na maging bahagi ng naturang show kahit ilang buwan lamang. Matatandaang napasama noon si Madam Kilay sa segment ng Eat Bulaga na Juan For all All for One.

Ayon kay dating Senador Tito Sotto, maging sila ay nabigla din sa nangyari kaya humantong sa kanilang desisyon na kumalas. Kaya daw sila pumasok na lahat ng host ay para magtrabaho at wala naman silang plano na kung ano. Nang bigla umano silang hindi payagang mag-live, naisip nilang ito na ang "bendisyon" ng Panginoon na magdesisyon sila. Kaya naman kahit nangangapa sa kanilang sasabihin ay naipahatid naman nila ang kanilang nais iparating

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Tags: