Madam Kilay sa taong nagnakaw daw sa kanya: "Patulugin ka sana ng konsensya mo"

Madam Kilay sa taong nagnakaw daw sa kanya: "Patulugin ka sana ng konsensya mo"

- Sa pagdiriwang ng kanyang kaarawan ay naglabas pa rin ng saloobin si Madam Kilay

- Kaugnay ito sa aniya'y pagnanakaw sa kanya ng kanyang kapatid na aniya ay kanyang pinagkatiwalaan

- Tinawag niya itong magnanakaw, sinungaling, mapang-abuso at mapanglamang

- Dagdag pa niya, nawa ay patulugin ito ng kanyang konsensiya

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nag-post si Madam Kilay ng mensahe sa pagdiriwang ng kanyang kaarawan. Naglabas siya ng mensahe para sa aniya'y magnanakaw, sinungaling, mapang-abuso at mapanglamang.

Madam Kilay sa taong nagnakaw daw sa kanya: "Patulugin ka sana ng konsensya mo"
Madam Kilay sa taong nagnakaw daw sa kanya: "Patulugin ka sana ng konsensya mo"
Source: Facebook

Dagdag pa niya, nawa ay patulugin ito ng kanyang konsensiya nito.

HAPPY BIRTHDAY TO ME Ganun pa man SALAMAT LORD SA PANIBAGONG TAON at sa susunod pa! Sa mga.magnanakaw,sinungaling, mapag abuso.at mapaglamang na tao hintayin nyo ang balik sa inyo. Patulugin ka sana ng konsensya mo.

Sa isang live video kamakailan ay hindi nakapagtimpi si Madam Kilay at naglabas ng kanyang sama ng loob matapos daw siyang pagnakawan ng kapatid niya. Ayon kay Madam Kilay, ang kapatid niyang ito ay pinagkatiwalaan niya at ginawa niyang kanang kamay lalo at nasa ibang bansa siya.

Read also

Rendon, ginawang motivation ang nasabi noon ng kanyang ama na wala umano siyang kwenta

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si Madam Kilay o si Jinky Anderson sa totoong buhay ay unang sumikat sa Facebook sa kanyang ibinahaging mga kilay tutorial video. Ibinahagi niya rin sa mga videos ang kanyang buhay bilang asawa ng isang Afam. Gayunpaman, kinalaunan ay nakwento niyang nagkahiwalay sila ng unang asawa hanggang sa makilala niya ang kasalukuyang boyfriend niya na si Michael.

Matatandaang sa isang maikling video na kanyang binahagi sa social media, pinakita ni Madam Kilay kung gaano nagpasalamat ang mga bangkero sa Surigao. Ito ay matapos niyang abutan ang mga ito ng tig-5,000 dahil nahabag umano siya sa kalagayan ng mga ito. Napag-alaman ni Madam Kilay na P120 lang umano ang kita ng bangkero sa tatlong oras nitong byahe upang ihatid ang mga pasahero. Marami ang natuwa at lalong humanga kay Madam Kilay dahil sa kabila ng tagumpay nito ay hindi umano ito nakakalimot na ibahagi ang kanyang mga biyaya.

Read also

Madam Kilay, nanginig sa galit matapos umano siyang pagnakawan ng sariling kapatid

Kamakailan ay ibinahagi ni Madam Kilay ang aktwal na video ng panganganak niya sa panganay nila ng partner niyang si Michael. Makikita sa naturang video ang pagiging emosyonal ni Michael lalo na habang nakikita niyang nahihirapan si Madam Kilay. Lalo pa itong naging emosyonal nang sa wakas ay nakalabas na ang kanilang Baby na pinangalanan nilang Morty Solaire Deck. Bumuhos naman ang pagbati para sa kanilang dalawa na hindi maitago ang saya na makasama na nila ang kanilang Baby Lakas.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel