Madam Kilay, nanginig sa galit matapos umano siyang pagnakawan ng sariling kapatid

Madam Kilay, nanginig sa galit matapos umano siyang pagnakawan ng sariling kapatid

- Hindi nakapagtimpi si Madam Kilay at naglabas ng kanyang sama ng loob matapos daw siyang pagnakawan ng kapatid niya

- Ayon kay Madam Kilay, ang kapatid niyang ito ay pinagkatiwalaan niya at ginawa niyang kanang kamay lalo at nasa ibang bansa siya

- Nabanggit ni Madam Kilay na milyon ang inabot ng pera na kinuha umano sa bangko niya

- Aminado naman si Madam Kilay na mali ang kanyang naging desisiyon na ipangalan ang bank account niya sa kapatid niya

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nanginig sa galit si Madam Kilay matapos niyang ilabas ang kanyang sama ng loob sa kanyang ate. Ito umano ang kapatid niyang pinagkatiwalaan niya at nagsilbing kanang kamay niya.

Madam Kilay, nanginig sa galit matapos umano siyang pagnakawan ng sariling kapatid
Madam Kilay, nanginig sa galit matapos umano siyang pagnakawan ng sariling kapatid
Source: Facebook

Sa live video ni Madam Kilay, nakwento niyang nag-withdraw daw ng 2.5 M sa bangko na ipinangalan ni Madam Kilay sa kapatid niya. Aniya, napagtanto niyang mali ang ginawa niyang desisyon.

Read also

KC Concepcion, ibinahagi ang last memory niya na makitang magkasama ang mga magulang

Hindi daw siya mahilig na gumawa ng ganito sa social media pero hindi daw siya kinakausap ng kapatid niya kaya ang maglabas na lang ng kanyang saloobin sa social media ang naisip niyang paraan para maparating sa ate niya ang kanyang gustong sabihin.

Madam Kilay, nanginig sa galit matapos umano siyang pagnakawan ng sariling kapatid
Madam Kilay, nanginig sa galit matapos umano siyang pagnakawan ng sariling kapatid
Source: Facebook

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Si Madam Kilay o si Jinky Anderson sa totoong buhay ay unang sumikat sa Facebook sa kanyang ibinahaging mga kilay tutorial video. Ibinahagi niya rin sa mga videos ang kanyang buhay bilang asawa ng isang Afam. Gayunpaman, kinalaunan ay nakwento niyang nagkahiwalay sila ng unang asawa hanggang sa makilala niya ang kasalukuyang boyfriend niya na si Michael.

Matatandaang sa isang maikling video na kanyang binahagi sa social media, pinakita ni Madam Kilay kung gaano nagpasalamat ang mga bangkero sa Surigao. Ito ay matapos niyang abutan ang mga ito ng tig-5,000 dahil nahabag umano siya sa kalagayan ng mga ito. Napag-alaman ni Madam Kilay na P120 lang umano ang kita ng bangkero sa tatlong oras nitong byahe upang ihatid ang mga pasahero. Marami ang natuwa at lalong humanga kay Madam Kilay dahil sa kabila ng tagumpay nito ay hindi umano ito nakakalimot na ibahagi ang kanyang mga biyaya.

Kamakailan ay ibinahagi ni Madam Kilay ang aktwal na video ng panganganak niya sa panganay nila ng partner niyang si Michael. Makikita sa naturang video ang pagiging emosyonal ni Michael lalo na habang nakikita niyang nahihirapan si Madam Kilay. Lalo pa itong naging emosyonal nang sa wakas ay nakalabas na ang kanilang Baby na pinangalanan nilang Morty Solaire Deck. Bumuhos naman ang pagbati para sa kanilang dalawa na hindi maitago ang saya na makasama na nila ang kanilang Baby Lakas.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel