KC Concepcion, ibinahagi ang last memory niya na makitang magkasama ang mga magulang

KC Concepcion, ibinahagi ang last memory niya na makitang magkasama ang mga magulang

- Naibahagi ni KC Concepcion sa kanyang vlog ang aniya'y huling beses na makita niyang magkasama ang kanyang mga magulang nang walang nakatutok na kamera

- Ani KC, nakasilip siya at nakita niya ang mga magulang niya na nagsasayaw at ang sweet

- Naalala niya itong muli nang makita ang rehearsal video kung saan makikitang nagsasayaw sina Sharon at Gabby

- Sa kanyang vlog, nabanggit ni KC na naka-check in siya sa isang hotel na malapit sa MOA Arena para malapit lang siya sa venue ng concert

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Naibahagi ni KC Concepcion sa kanyang vlog ang aniya'y last memory niya na makitang masaya ang kanyang mga magulang. Ani KC, nakasilip lang siya at nakita niya ang mga magulang niya na nagsasayaw.

KC Concepcion, ibinahagi ang last memory niya na makitang magkasama ang mga magulang
KC Concepcion, ibinahagi ang last memory niya na makitang magkasama ang mga magulang
Source: Youtube

Naalala niya itong muli nang lumabas ang video na kuha sa rehearsals para sa concert. Nabanggit niya rin sa naturang vlog na naka-check in siya sa isang hotel na malapit sa MOA arena dahil doon ang venue ng concert nina Sharon at Gabby na 'Dear Heart.'

Read also

Alex Gonzaga at Mikee Morada, sina Ellie at Carl ng pelikulang 'Up' ang Halloween costume

Aminado siyang hindi niya inaasahang matutuloy ang concert noong una dahil aniya ay ilang taon din daw na nagkaroon ng pag-uusap tungkol sa reunion concert pero hindi matuloy-tuloy dahil sa may nagba-back out.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Si KC ang panganay na anak ni Sharon Cuneta sa dating asawang si Gabby Concepcion. Matapos maghiwalay ng kanyang mga magulang, kinilala niya ring ama si Senator Francis Pangilinan. Nagtapos siya ng bachelor's degree in International Corporate Communications with a minor in Theatre Arts sa American University of Paris.

Ibinahagi kamakailan ni KC sa kanyang vlog ang kwento kung paano sila muling nagkita at nagkausap ng ama niyang si Gabby Concepcion. Noong siyam na taong gulang siya, pumunta ng Amerika si Gabby at doon nagtrabaho. Naibahagi ni KC kung paano sila nagkausap noong siya 18th birthday niya. Marami ang naantig sa video na ito ni KC dahil sa kanyang pagmamahal sa kanyang ama.

Matapos nga niya ilabas ang video ng kwento tungkol sa muling pakikipag-ugnayan nila ng amang si Gabby, naibahagi ni KC ang kanyang pagmamahal at pasasalamat para naman sa kanyang stepfather na si Kiko Pangilinan na siyang tumayong pangalawang ama niya. Aniya ay sobra niyang naapreciate ang kanyang stepfather at pinakita pa nito ang pearl necklace na natanggap niya mula dito nang magpakasal sila ni Sharon.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel