Paul Jake, binanggit ang naging issue umano ni Kaye Abad: "Daniel Padilla 'di ba?"

Paul Jake, binanggit ang naging issue umano ni Kaye Abad: "Daniel Padilla 'di ba?"

- Sinagot nina Kaye Abad at Paul Jake Castillo ang isyu ng pagkakadawit ni Abad kay Daniel Padilla

- Biniro ni Paul Jake si Abad tungkol sa pagiging "cougar" dahil sa tsismis na ito

- Inamin ng mag-asawa na hindi sila madaling magselos at bihirang pansinin ang mga tsismis

- Nagbahagi sila ng tahimik at masayang buhay nila sa Cebu kasama ang kanilang dalawang anak

Sa isang nakakaaliw na panayam kay Karen Davila, muling nabanggit ng celebrity couple na sina Kaye Abad at Paul Jake Castillo ang isyung minsang idinawit ang aktres kay Daniel Padilla.

Paul Jake, binanggit ang naging issue umano ni Kaye Abad: "Daniel Padilla 'di ba?"
Paul Jake, binanggit ang naging issue umano ni Kaye Abad: "Daniel Padilla 'di ba?"
Source: Youtube

Habang tinatalakay ang kanilang tahimik na buhay sa Cebu, na malayo sa magulong mundo ng showbiz, sinabi ni Kaye, “Mas tahimik. Walang issue. Walang nangingialam.”

Sinundan ito ng isang patawa ni Paul Jake na siyang nagbanggit ng pangalan ni Padilla, "Daniel Padilla, 'di ba?" na nagdulot ng tawanan sa kanilang tatlo.

Read also

Darren Espanto, hindi natuloy sa It's Showtime dahil kinailangang operahan

“Akalain mo ‘yon si Daniel, mahilig sa tita,” ani Abad na tinawag pa ni Castillo na isang “cougar” bilang biro.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

“Alam mo, bilib ako natatawa na lang [siya],” wika ni Karen na tinutukoy si Paul Jake. Kwento pa ni Kaye, “Nu’ng lumabas ‘yung issue, sabi niya pa, ‘Wala ba akong picture with Kathryn (Bernardo) diyan? Sabi ko, ‘Bakit?’ Kasi magpo-post daw siya ng, ‘Pare, you take mine, I take yours,’” na muling nagdulot ng tawanan.

Bagamat minsang naging laman ng tsismis, pinatunayan ng mag-asawa na hindi sila seloso at bihirang bigyang pansin ang mga isyung naglalabasan.

Nagsimula bilang magkaibigan sina Paul Jake at Kaye bago sila ikinasal noong December 2016. Sa ngayon, may dalawa na silang anak na lalaki at masaya silang namumuhay ng tahimik sa Cebu.

Si Kaye Abad, na kilala rin bilang Katherine Grace Cosme Abad, ay isang Filipinong aktres na sumikat sa industriya ng showbiz sa Pilipinas. Ipinanganak siya noong Mayo 17, 1982, sa Easton, Pennsylvania, USA, ngunit lumaki at naging kilala bilang isang artista sa Pilipinas. Nakilala din siya bilang katambal ni John Lloyd Cruz sa seryeng "Tabing Ilog" mula 1999 hanggang 2003.

Read also

Julia Barretto, nag-aalala pero proud kay Gerald Anderson sa pagtulong nito noong bagyo

Sa kanyang Instagram post, binahagi ni Kaye ang isa sa mga picture niya sa kanyang birthday pictorial. Marami ang humanga sa aktres dahil mukha itong hindi tumatanda kahit pa 40 taong gulang na ito. Bumaha ng komento ng pagbati at paghanga sa kagandahan ng aktres sa binahagi nitong picture na kinuhanan ng Nice Print Photography. Matatandaang una siyang nakilala sa mundo ng showbiz bilang isa sa bahagi ng "Ang TV."

Sa programang Goodtimes sa magic899TV YouTube channel, nakwento ni Kaye Abad na nag-message sa kanya si Iza Calzado. Kaugnay ito sa panayam ni Boy Abunda kamakailan sa kanya kung saan nabanggit niyang si Iza ang tinuturing niyang pinakamaganda. Pinasalamatan siya ni Iza sa kind words pero aniya ay huwag tanggapin ni Kaye na 'ugly version' siya.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate