Ivana Alawi, sinagot ang tanong tungkol sa kanyang paghiga sa kabaong

Ivana Alawi, sinagot ang tanong tungkol sa kanyang paghiga sa kabaong

- Sa kanyang pamamaalam sa seryeng Batang Quiapo, naglabas ng mensahe si Ivana Alawi

- Kalakip sa kanyang mensahe ay ang picture niya na nasa loob ng kabaong at nakangiti

- Isang netizen ang nagtanong sa kanya kung kumusta ang kanyang karanasan sa eksenang iyon na nasa loob siya ng kabaong

- Hindi naman pinagkaila ni Ivana na nakaramdam siya ng takot

Sa kanyang pamamaalam sa seryeng Batang Quiapo, naglabas ng mensahe si Ivana Alawi na ikinatuwa ng marami niyang tagahanga. Kasama sa kanyang mensahe ay ang isang larawan kung saan siya ay nakahiga sa loob ng kabaong at nakangiti.

Ivana Alawi, sinagot ang tanong tungkol sa kanyang paghiga sa kabaong
Ivana Alawi, sinagot ang tanong tungkol sa kanyang paghiga sa kabaong
Source: Instagram

Isang netizen ang nagtanong kay Ivana tungkol sa kanyang karanasan sa eksenang iyon. Sinabi ng netizen, "Congratulations po, btw ano pong feeling ng nasa kabaong? Curious lang po😭"

Hindi naman ipinagkaila ni Ivana na siya'y nakaramdam ng takot sa eksenang iyon. Gayunpaman, sa kanyang mensahe ay sinabi ni Ivana na babaunin niya lahat ng kanyang natutunan.

Read also

Ivana Alawi, nagbahagi ng mensahe matapos mamaalam ni 'Bubbles' sa Batang Quiapo

At ngayong tapos na ang isang chapter ng buhay ko sa Batang Quiapo, babaunin ko lahat ng natutunan ko.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Ivana Alawi, sinagot ang tanong tungkol sa kanyang paghiga sa kabaong
Ivana Alawi, sinagot ang tanong tungkol sa kanyang paghiga sa kabaong
Source: Instagram

Marami ang bumilib sa tapang ni Ivana at ang kanyang dedikasyon sa kanyang trabaho. Sa kanyang pamamaalam, pinasalamatan niya ang lahat ng sumuporta sa kanya at sa serye.

Si Ivana Alawi ay sumikat at nakilala matapos niyang pasukin ang paggawa ng YouTube content. Kahit dati nang artista, mas sumikat siya nang naging vlogger siya. Sa katunayan mayroon nang mahigit 16 milyon ang kanyang subscribers sa YouTube. Matapos ang pagsikat niya sa social media, nagkaroon siya ng maraming oportunidad kabilang na ang pagbida niya sa isang serye.

Matatandaang kinaaliwan sina Dra. Vicki Belo at asawa niyang si Hayden Kho sa vlog kung saan naging magulang sila nina Mona at Ivana habang naglilibot sa Italy. Sa simula ng vlog ay makikita ang mag-asawa at sinabi ni Dra. Belo na kailangan ng mga anak nila ng disiplina ni Hayden at pang-spoil ni Doktora. Agad pinuna ni Dra. Belo ang kanyang pananamit at sinara ang suot nitong cardigan sabay nagbiro na siya na lang ang magsasara dahil delikado pag si Hayden. Natawa naman si Hayden sa biro niyang ito kaya nabatukan niya ito nang pabiro.

Read also

Xian Gaza, ibinunyag ang dahilan kung bakit hindi sya makauwi ng Pilipinas

Nagbahagi si Ivana ng mensahe matapos ang kanyang pagganap bilang 'Bubbles' sa "Batang Quiapo". Inalala niya ang kanyang pag-aalinlangan noong una siyang inalok ng papel ngunit tinanggap ito dahil sa tiwala sa ABS-CBN at Direk Coco.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate