Ivana Alawi, nagbahagi ng mensahe matapos mamaalam ni 'Bubbles' sa Batang Quiapo

Ivana Alawi, nagbahagi ng mensahe matapos mamaalam ni 'Bubbles' sa Batang Quiapo

- Nagbahagi si Ivana Alawi ng mensahe matapos ang kanyang pagganap bilang 'Bubbles' sa "Batang Quiapo"

- Inalala niya ang kanyang pag-aalinlangan noong una siyang inalok ng papel ngunit tinanggap ito dahil sa tiwala sa ABS-CBN at Direk Coco

- Nagpahayag siya ng pasasalamat sa lahat ng bumubuo ng "Batang Quiapo" mula sa mga direktor hanggang sa production staff

- Sinabi niyang babaunin niya ang lahat ng natutunan niya at nagpapasalamat sa walang sawang suporta ng mga manonood

Nagbahagi ng emosyonal na mensahe si Ivana Alawi matapos ang kanyang pagganap bilang 'Bubbles' sa sikat na teleseryeng "Batang Quiapo." Sa kanyang pahayag, inalala ni Alawi ang kanyang mga pag-aalinlangan noong una siyang inalok na maging bahagi ng palabas.

Ivana Alawi, nagbahagi ng mensahe matapos mamaalam ni 'Bubbles' sa Batang Quiapo
Ivana Alawi, nagbahagi ng mensahe matapos mamaalam ni 'Bubbles' sa Batang Quiapo
Source: Instagram

"Nung unang inalok sakin ang Batang Quiapo, isang malaking tanong ang pumasok sa isip ko. Bakit ako? Kaya ko ba ito? Deserve ko ba?" ani Alawi. Sa kabila ng kanyang mga pag-aalinlangan, tinanggap niya ang papel dahil sa kanyang tiwala sa ABS-CBN, lalo na kay Tita Cory at Direk Coco, pati na rin sa kanyang panalangin. "Sobrang proud ako sa show na ito," dagdag pa niya.

Read also

Xian Gaza, ibinunyag ang dahilan kung bakit hindi sya makauwi ng Pilipinas

Nagpahayag din si Alawi ng kanyang pasasalamat sa lahat ng bumubuo ng "Batang Quiapo." "Kaya naman gusto ko magpasalamat sa lahat ng bumubuo ng Batang Quiapo. Mula kay Direk Coco, hanggang sa lahat ng mga artistang nakasama ko, technical staff, production staff, at sa mga utilities… Salamat sa pag aalaga ninyo sa akin," pahayag ni Alawi.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sa pagtatapos ng kanyang mensahe, sinabi ni Alawi na babaunin niya ang lahat ng natutunan niya sa show. "From the bottom of my heart maraming salamat sa inyong lahat, sa inyong walang sawang pagtanggap sa akin gabi-gabi, sa pagmamahal niyo kay Bubbles. Salamat po ng marami at sana patuloy niyo parin supportahan ang Batang Quiapo. 🙏 Hanggang sa muli, Bubbles signing off," pagtatapos niya.

Si Ivana Alawi ay sumikat at nakilala matapos niyang pasukin ang paggawa ng YouTube content. Kahit dati nang artista, mas sumikat siya nang naging vlogger siya. Sa katunayan mayroon nang mahigit 16 milyon ang kanyang subscribers sa YouTube. Matapos ang pagsikat niya sa social media, nagkaroon siya ng maraming oportunidad kabilang na ang pagbida niya sa isang serye.

Read also

Marian Rivera, kinagiliwan sa pagkikita nila ni Pokwang sa GMA gala

Matatandaang kinaaliwan sina Dra. Vicki Belo at asawa niyang si Hayden Kho sa vlog kung saan naging magulang sila nina Mona at Ivana habang naglilibot sa Italy.

Naibahagi din ni Ivana Alawi sa vlog niya ang bahay nila sa Bacood Sta Mesa. Paglilinaw nila ni Mona, nagsimula sila sa simpleng buhay taliwas sa nakikita sa kanilang vlog.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate