Celia Rodriguez, pinanindigan ang sinabing si Angel Locsin ang pinakamagaling na Darna para sa kanya

Celia Rodriguez, pinanindigan ang sinabing si Angel Locsin ang pinakamagaling na Darna para sa kanya

- Pinanindigan ng batikang aktres na si Celia Rodriguez ang kanyang inihayag na opinyon kaugnay sa 'pinakamagaling' na Darna

- Sa panayam ni Ogie Diaz, sinabi ng btikang aktres na nabigyan siya ng pagkakataong makatrabaho ang ilan pang mga gumanap na Darna at sa kanyang opinyon ay magagaling silang lahat

- Gayunpaman, kung ang tatanungin daw ay ang pinakamagaling, si Angel Locsin daw ito para sa kanya

- Ayaw daw niyang magpaka-ipokrito para lang magustuhan ng tao ang kanyang sagot

Sa isang eksklusibong panayam kay Ogie Diaz, ibinahagi ng batikang aktres na si Celia Rodriguez ang kanyang matibay na opinyon tungkol sa pinakamagaling na gumanap bilang Darna. Ayon sa kanya, nabigyan siya ng pagkakataong makatrabaho ang ilan sa mga aktres na nagsuot ng iconic na costume ng Darna, at bawat isa sa kanila ay nagpakita ng kani-kaniyang kahusayan.

Read also

Diwata, nagbahagi ng tulong sa mga homeles; inalala ang kalagayan niya noon tuwing bumabagyo

Celia Rodriguez, pinanindigan ang pinakamagaling na Darna para sa kanya
Celia Rodriguez, pinanindigan ang pinakamagaling na Darna para sa kanya
Source: Instagram

Subalit, sa kabila ng kanilang mga natatanging kontribusyon, pinaninindigan niya na si Angel Locsin ang pinakamagaling na Darna para sa kanya.

Ibinahagi ni Rodriguez na siya ay hindi magpapaka-ipokrito upang magustuhan lamang ng tao ang kanyang opinyon. Ayon sa kanya, habang magagaling din sina Marian Rivera at Vilma Santos, ibang klaseng pagganap ang ipinakita ni Angel Locsin na talaga namang tumatak sa kanyang alaala.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Dagdag pa niya, hindi maikakaila ang dedikasyon at talento ni Locsin sa pagganap bilang Darna, na nag-iwan ng malalim na impresyon hindi lamang sa kanya kundi pati na rin sa maraming tagahanga.

Ang mga pahayag ni Rodriguez ay nagdulot ng sari-saring reaksyon mula sa publiko. May mga sumang-ayon sa kanyang pananaw at may iba namang nagbigay ng kanilang sariling opinyon kung sino ang pinakamagaling na Darna.

Read also

Kaila Estrada, binahagi ang picture ng amang si John Estrada na na-ospital

Si Angel Locsin ang isa sa mga pinaka-iconic na babaeng artista ng ating henerasyon. Bida siya sa mga sikat na teleserye gaya ng “Darna,” “The Legal Wife,” at “Mulawin.” Ang aktres ay ang dating nobya ng Kapamilya host na si Luis Manzano. Nang magkahiwalay sila ni Luis, naka-relasyon niya ang film producer na si Neil Arce.

Matatandaang sa kanyang post kung saan ibinahagi niyang litrato nila ni Kris Aquino, isang netizen ang nagkomento sa post ni Angel. Inalmahan ni Angel ang komento nito na "Mabuhay ang NPA" at sinita ng aktres ang kanyang pang-re-redtag. Maging si Neil Arce ay umalma din at pabirong sinabi na siguro umano ay naniniwala din ito sa Tallano gold. Matatandaang dati nang naging biktima ng red-tagging ang kapatid ni Angel na kanyang inalmahan hanggang sa magkausap sila ng military official na si Parlade.

Sa kanyang pinakahuling vlog, kasama nina Angel at Neil ang ina ni Neil sa kanilang bakasyon sa Spain. Binahagi ng mag-asawa ang kanilang masayang pamamasyal sa Madrid. Nakipagkulitan din ang biyenan ni Angel sa kanila na siya pang kumukuha ng video at pictures sa mag-asawa. Marami naman ang natuwa sa pagiging malapit ng mag-asawa sa ina ni Neil dahil kasama pa nila ito sa kanilang bakasyon.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate