Ogie D, naikwentong may gustong awayin si Claudine para sa kanya

Ogie D, naikwentong may gustong awayin si Claudine para sa kanya

- Nabanggit ni Ogie Diaz ang tungkol sa gusto umanong awayin ni Claudine Barretto para sa kanya

- Aniya, nais siyang ipagtanggol ni Claudine sa taong ito ngunit sinabihan niya ito na baka madamay lamang

- Isa umano si Ogie D sa mga sumasang-ayon sa titulong ibinigay kay Claudine bilang 'Queen of gratefulness'

- Maging siya umano ay saksi sa kung gaano magpasalamat at magpahalaga sa kanila ang aktres

Sa bagong episode ng kanyang Showbiz Update channel, naikwento ni Ogie Diaz ang tungkol umano sa nais awayin ni Claudine Barretto para sa kanya.

Ogie D, naikwentong may gustong awayin si Claudine para sa kanya
Ogie D, naikwentong may gustong awayin si Claudine para sa kanya (@claubarretto/ @ogiediaz)
Source: Facebook

Ito ay matapos nilang batiin si Claudine na kamakaila'y nabansagang "Queen of gratefulness."

Ayon kay Ogie, maging siya ay saksi kung gaano kabuti ang aktres na handa pa umanong makipag-away para lamang ipagtanggol siya.

"Kahit sa amin, grabe lagi ang pasasalamat sa amin ni Claudine. Ako na ang nahihiya," ani Ogie.

Read also

Jake Ejercito, viral nang muling magbahagi ng 'unli haynako' convo nila ni Ellie

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

"Meron nga siyang gustong awayin, si Claudine. Para lang patunayan na naku, may tama kayo Ogie, may point kayo," giit pa niya.

Gayunpaman, nagawa niyang pigilan ang aktres upang hindi na umano ito madamay pa.

"Please Claudine 'wag. sabi ko sa kanya 'wag Clau. 'Wag ka nang sumali. Baka madamay ka pa."

Narito ang kabuuan ng pahayag ni Ogie:

Si Claudine Barretto ay nagsimulang makilala nang mapabilang siya sa "Ang TV" noong taong 1992. Nang sumunod na taon, napabilang siya sa palabas na pinagbibidahan ng comedy king na si Dolphy Quizon na "Home Along Da Riles." Kabilang sa mga teleseryeng kanyang pinagbidahan ay Mula sa Puso, Saan Ka Man Naroroon, Sa Dulo ng Walang Hanggan, Marina, at Iisa Pa Lamang. Ikinasal siya sa aktor na si Raymart Santiago noong taong 2006 ngunit kalauna'y nagkahiwalay din.

Read also

BINI Colet, viral nang ikuwento ang tungkol sa 'poster' ni Nadine na nais bilhin noon

Samantala, sa naging panayam ni Ogie Diaz kay Claudine sa kanyang Ogie Diaz Inspires channel, naikwento ng aktres na labis niya umanong sinisi ang sarili sa pagpanaw ng kanyang dating kasintahang si Rico Yan.

Doon nagkaroon ng pagkakataong makapagdetalye si Claudine kung nasaan siya at ano ang kanyang ginawa sa mga panahong nalaman na niya na namayapa na si Rico. Matatandaang naging kontrobersyal ito noon at nilinaw niya sa naturang panayam na nagkapatawaran naman na ang lahat lalo na sila ng pamilya ng yumaong aktor.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica

Online view pixel