Claudine, inalala ang ilang detalye nang pumanaw si Rico Yan: "Sinisisi ko rin ang sarili ko"

Claudine, inalala ang ilang detalye nang pumanaw si Rico Yan: "Sinisisi ko rin ang sarili ko"

- Naidetalye ni Claudine Barretto ang ilang mga detalye sa pagpanaw ni Rico Yan noong 2002

- Si Rico Yan ang aktor na ka-love team at naging real-life partner ni Claudine

- Matatandaang naging kontrobersyal ang pagpanaw ni Rico gayung hindi noon pinahintulutan si Claudine na mabisita sa burol nito

- Aminado si Claudine na nasisi rin niya umano ang sarili sa mga kaganapan noon subalit may ilang isyu ukol dito na kanya ring klinaro

Naging emosyonal si Claudine Barretto nang alalahanin ang ilang mga naging kaganapan sa pagpanaw noon ng aktor na si Rico Yan.

Claudine, inalala ang ilang detalye nang pumanaw si Rico Yan: "Sinisisi ko rin ang sarili ko"
Claudine Barretto (Ogie Diaz YouTube)
Source: Facebook

Sa panayam sa kanya ni Ogie Diaz, binalikan ni Claudine ang kontrobersyal na pagpanaw ng dati niyang ka-love team at naging nobyo. Una na rito ang tungkol sa paghihiwalay nila ni Rico na naganap ilang buwan bago ito natagpuang wala nang bubhay sa isang resort sa Palawan.

Read also

Cedric Lee: "Hindi naman dapat magkaroon ng life imprisonment para sa bugbugan lang"

"Ang nangyari was November 2001, nasa Ad Congress siya. 'Pag uwi niya end of November, may nalaman ako and naghiwalay kami. Pero we we're staying under the same roof."

"Ang usapan is, January, move out. He was asking pa na ayaw niya umalis," pagbabalik tanaw ni Claudine.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Inamin din niyang maging siya ay may naging pagkukulang sa kanilang relasyon subalit hindi nniya umano matanggap ang nalamang iyon tungkol sa dating nobyo.

"Alam mo ang tagal kong prinotektahan ang pangalan ni Rico. Pareho kaming may mali. Hindi ko lang talaga matanggap 'yung time na 'yun kung ano man 'yuung nangyari during Ad congress."

Isa rin sa mga na-klaro ni Claudine ay ang napabalitaang sinasaktan umano siya ni Rico.

"Umabot ng March 5 'yung away namin pero hindi totoo na sinaktan ako ni Rico o naging violent siya. 'Yun ang gusto kong iklaro. Never. Nagsigawan kami pero hindi umabot sa nananakit."

Read also

Aubrey Miles, sinagot ang nagsabing spoiler siya at epal: "Hindi ako spoiler, late lang sila"

Inalalala niyang isa umano siya sa mga huling tinawagan ni Rico, gabi bago ito mamaalam.

"'Yun yung pinaka pinagsisisihan ko. The night na March 29 ng madaling araw tumatawag siya... Last call niya was sa sister niya at sa akin"

"Alam mo ngayon naiisip ko, baka yun ang pinakamalaking karma ko," naluluhang nasabi ng aktres.

"Hindi alam ng tao, ako rin. Sinisisi ko rin ang sarili ko."

Gayunpaman, nilinaw niyang naikikwento lamang niya ito ngunit ang lahat ay nagkapatawaran na sa nangyari.

"Ang lahat ng ito, inuulit ko lang for the timeline. Pero lahat 'to all is forgiven."

Narito ang kabuuan ng kanyang naging pahayag mula sa Ogie Diaz Inspires YouTube channel:

Si Claudine Barretto ay nagsimulang makilala nang mapabilang siya sa "Ang TV" noong taong 1992. Nang sumunod na taon, napabilang siya sa palabas na pinagbibidahan ng comedy king na si Dolphy Quizon na "Home Along Da Riles." Kabilang sa mga teleseryeng kanyang pinagbidahan ay Mula sa Puso, Saan Ka Man Naroroon, Sa Dulo ng Walang Hanggan, Marina, at Iisa Pa Lamang. Ikinasal siya sa aktor na si Raymart Santiago noong taong 2006 ngunit kalauna'y nagkahiwalay din.

Read also

Karen Davila, humanga sa BINI: "tama lang na iniidolo niyo sila"

Matatandaang isang love letter ang ibinahagi ni Claudine sa kanyang Instagram account. Marami sa mga fans ng tambalan nila ni Rico Yan ang kinilig sa love letter na ito ng yumaong aktor. Hindi man sila nagkatuluyan dahil sa pagpanaw ng matinee idol, nanatili ang pagsuport ng mga fans ng kanilang tambalan. Nauna nang nakapagbahagi si Claudine ng iba pang love letters ng aktor para sa kanya.

Naibahagi naman nina Cristy Fermin ang tungkol sa pag-usad ng annulment nina Raymart Santiago at Claudine. Sinasabing si Raymart na rin umano ang nag-file ng annulment ng kasal nila ni Claudine.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica

Online view pixel