Karen Davila, humanga sa BINI: "tama lang na iniidolo niyo sila"

Karen Davila, humanga sa BINI: "tama lang na iniidolo niyo sila"

- Bumilib si Karen Davila sa PPop group na BINI na nilarawan niyang "mababait na bata"

- Sa panayam niya sa mga ito, nalaman niyang may kanya-kanyang hugot ang mga ito sa buhay

- Nabigyan niya ng pagkakataon ang mga ito na ibahagi ang kwento ng kanilang buhay bago pa sila makilala bilang Bini

- Isa ang Bini sa mga iniidolo ng henerasyon ngayon at bilang patunay, sold out ang 3-day concert nila

Aminadong humanga si Karen Davila nang malamang niya ang mga hugot sa buhay ng grupong BINI.

Karen Davila, humanga sa BINI: "tama lang na iniidolo niyo sila"
Karen Davila kasama ang grupong BINI (Karen Davila FB)
Source: Facebook

Sa panayam niya sa naturang grupo, doon niya nalaman ang mga napagdaanan ng mga ito.

Unang umantig sa kanyang puso ay ang kwento ni Sheena na namatayan ng ina sa kasagsagan nila ng training para sa noo'y binubuo pa lamang na grupo.

Isa rin ang kwento ni Maloi na sa kabila ng pagiging masayahin ng grupo, naranasan din nila umano ng kanyang pamilya ang hagupit ng pandemya.

Read also

Barbie Imperial sa netizen na nagkomento tungkol sa kanyang stretchmarks: "It's normal"

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Halos lahat umano sila ay pawang mga breadwinners ng kani-kanilang pamilya dahilan para lalo pa nilang pagbutihin ang kanilang ginagawa.

"Ang babait pala ng mga batang ito, tama lang na iniidolo niyo sila," ani Karen Davila na umano'y bumilib sa BINI.

"Alam niyo naiiyak ako sa inyo. Grabe ang responsibilidad niyong mga babae ano?" giit pa niya.

Narito ang kabuuan ng kanilang talakayan mula sa Karen Davila YouTube channel:

Si Karen Davila ay isang multi-awarded broadcast journalist na pinarangalan ng TOYM (The Outstanding Young Men) Awards for Broadcasting noong 2008 at TOWNS (The Outstanding Women in the Nation’s Service) Award for Broadcasting (2013).

Sa ngayon, aktibo na rin siya bilang isang YouTube content creator. Umabot na sa mahigit 1.93 million ang kanyang subscribers dahil sa mga vlog niya na bukod sa nakakaaliw ay kapupulutan lagi ng aral sa buhay.

Read also

Clem Castro ng Orange & Lemons: "Sana naman walang sumisingit"

Isa sa mga nakapanayam niya sa kanyang YT channel ay si Kylie Versoza. Doon niya nabanggit ang tungkol sa ex-boyfriend niyang si Jake Cuenca . "I have nothing but good things to say about him," ani Kylie na sinabi ring ang isa umanong "ex" ay mananatili na lamang ex bilang respeto na rin umano sa bagong partner nito.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel