Nadia Montenegro, binasag ang katahimikan tungkol sa kanyang bunsong anak

Nadia Montenegro, binasag ang katahimikan tungkol sa kanyang bunsong anak

- Nagbahagi si Nadia Montenegro ng kanyang saloobin sa isang panayam kay Julius Babao tungkol sa kanyang bunsong anak

- Matagal daw niyang itinago ang katotohanan ngunit alam na ito ng kanyang pamilya at mga malalapit na kaibigan

- Hindi pinagsisihan ni Nadia ang mga nangyari at tinuturing niyang biyaya ang kanyang anak

- Walang raw interes ang kanyang anak sa ngayon na makipag-ugnayan sa kanyang tunay na ama, na iniisip pa ni Nadia kung karapat-dapat itong tawaging ama

Sa isang eksklusibong panayam ni Julius Babao kay Nadia Montenegro, nagbahagi si Nadia ng kanyang saloobin tungkol sa isyu ng kanyang anak na hindi tunay na anak ng kanyang yumaong partner na si Boy Asistio.

Nadia Montenegro, binasag ang katahimikan tungkol sa kanyang bunsong anak
Nadia Montenegro, binasag ang katahimikan tungkol sa kanyang bunsong anak
Source: Youtube

Ayon kay Nadia, matagal na niyang itinago ang katotohanang ito, ngunit alam ito ng mga taong dapat nakakaalam, kasama na ang kanyang anak, si Boy, at ang kanyang mga kapatid. Ipinaliwanag niya na mahirap intindihin ng ibang tao kung bakit maayos ang kanilang relasyon, ngunit tiniyak niyang inasikaso at pinlano niyang mabuti ang sitwasyon. Hindi rin niya nararamdamang kailangan niyang magpaliwanag sa kahit sino, dahil napatawad na siya ng Panginoon at maayos ang kanilang pamilya bago pumanaw si Boy.

Read also

Lyca Gairanod, pinakita ang reaksiyon ng kanyang papa sa The Voice video nya

Dagdag pa niya, hindi niya pinagsisihan ang mga nangyari. Ang kanyang anak ay isa sa pinakamalaking biyayang natanggap niya. Pinalaki niya ito ng puno ng pagmamahal at respeto para sa kanyang ama, si Boy, na nagbigay ng pangalan at nagpaaral sa kanya. Hindi siya apektado sa mga opinyon ng iba sa labas ng kanilang pamilya.

Pagdating sa isyu ng pagiging trending ng balita, sinabi ni Nadia na kalmado lang sila sa bahay at hindi sila naapektuhan nito.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

“What I got from Him was my biggest blessings. She’s [the] most beautiful girl na pinalaki ko siya, punumpuno ng pagmamahal.
"Punumpuno ng respeto sa tatay niya, si Boy, sa nagbigay ng pangalan sa kanya, sa nagpaaral sa kanya, sa nagmahal sa kanya. Walang pupuwedeng magkuwestiyon outside our circle. I am not unfazed, wala akong pakialam sa kanila.

Read also

Ryan Bang, masayang natupad ang dasal na makasama niya ang mga magulang

"Basta ako, kung nasaan ako ngayon, dahil sa hirap ko, dahil sa hiningi ko na patawad sa Panginoon...At ramdam na ramdam ko na ibinibigay Niya sa akin ang laya. My freedom.
"Nung nangyari yan, nung nag-trending, kalmado lang kami sa bahay."

Nang tanungin kung may interes ba ang kanyang anak na makipag-ugnayan sa kanyang tunay na ama, sinabi ni Nadia na hindi ito interesado. Isang beses pa lamang daw silang nagkita, at pakiramdam nila ay wala namang intensiyon ang tunay na ama na magbuo ng relasyon, kundi para lamang mapag-usapan o magpromote.

Sa huli, binanggit ni Nadia na hindi interesado ang kanyang anak na magkaroon ng relasyon sa kanyang tunay na ama, at nagdududa pa nga kung karapat-dapat itong tawaging ama.

Sa kabila ng mga kontrobersiya, nananatiling matatag si Nadia Montenegro at ang kanyang pamilya, pinapalakas ng kanilang pagmamahalan at pag-uunawaan.

Si Nadia Montenegro ay isang aktres na nakilala sa kanyang mahusay na pagganap sa mga pelikula kagaya ng bulong Mo Sa Diyos, Prinsesang Gusgusin, Taray at Teroy at Stupid Cupid. Anak niya kay Boy Asistio ang aktres na si Ynna Asistio.

Read also

Lie Reposposa, binigyan ng pampuhunan ang kanyang papa para sa kanyang farm

Noong 2022, matatandaang hindi napigilan ni Nadia na maglabas ng saloobin matapos malamang nalimas ang pera ng kanyang nanay sa isang Membership-only retail warehouse club chain.

Hindi tinigilan ni Nadia na maaksyonan ang nangyari sa kanyang ina habang namimili ito sa isang Membership-only retail warehouse club chain. Matapos niyang ibahagi sa social media ang karanasan ng kanyang ina, marami din umano ang mga nagpadala ng mensahe sa kanya.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate