Nadia Montenegro, nabahala matapos malimas ang pera ng kanyang ina

Nadia Montenegro, nabahala matapos malimas ang pera ng kanyang ina

- Hindi napigilan ni Nadia Montenegro na maglabas ng saloobin matapos malamang nalimas ang pera ng kanyang nanay sa isang Membership-only retail warehouse club chain

- Pitong katao umano ang nagkumpulan upang makuha ang mga card ng kanyang ina sa loob lamang ng 3 minuto

- Nakatakas umano ang mga tumangay sa card ng nanay niya at nalimas ang P130,000 ng kanyang ina

- Ani Nadia, napatawad niya na ang mga gumawa nito sa kanyang ina ngunit kailangan harapin ng mga ito ang kahihinatnan ng kanilang ginawa

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Sa isang video, hindi napigilan ni Nadia Montenegro na maglabas ng kanyang saloobin matapos matangay ang mga cards ng kanyang ina. Umabot umano sa P130,000 ang nalimas na pera sa mga card ng kanyang ina matapos raw itong pagkumpulan ng pitong katao.

Read also

VP Leni sa umano'y advance questions sa CNN debate; "Nagalingan kayo?"

Nadia Montenegro, nabahala matapos malimas ang pera ng kanyang ina
Nadia Montenegro (Nadia Montenegro Pla)
Source: Facebook

Isang screenshot ng CCTV footage ang ibinahagi ng aktres kung saan makikita ang pagkumpulan ng mga suspek.

Pinagkumpulan nyo nanay ko!!!pinagplanuhan nyo nanay ko. Senior citizen! Nagtrabaho NG ilang taon SA amerika, naghirap! Tapos nanakawin nyo lang?

Ani Nadia, napatawad niya na ang mga gumawa nito sa kanyang ina ngunit kailangan harapin ng mga ito ang kahihinatnan ng kanilang ginawa.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Unacceptable! God will put you in your proper places! Napatawad ko na kayo. Now its time to pay for the consequences of your evil actions!

Kinuwestiyon din ng aktres ang pangyayari dahil inasahan umano niyang safe sa naturang Membership-only retail warehouse club chain lalo at kailangan pang magbayad ng P700 para maging miyembro dito.

Sa kanyang live video, ikinuwento niya kung ano ang nangyari.

Read also

Pinay sa Ukraine, ibinahagi ang sitwasyon nila sa pagtatago sa basement

“Hi guys! I don’t like doing this, but I’m very, very scared at the moment. My sister Tanya called me that my mom’s wallet was stolen by seven people who entered as members"

Si Nadia Montenegro ay isang aktres na nakilala sa kanyang mahusay na pagganap sa mga pelikula kagaya ng bulong Mo Sa Diyos, Prinsesang Gusgusin, Taray at Teroy at Stupid Cupid. Anak niya kay Boy Asistio ang aktres na si Ynna Asistio.

Sa naunang ulat ng KAMI, inamin ni Nadia na na-depress siya noon dahil sa kanyang kondisyon sa kanyang mata.

Matatandaang isa si Nadia sa mga kaibigan ng dating action star na si John Regala na tumulong sa kanya nang lumala ang karamdaman nito.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel